Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).
“na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin …” (Juan 14:10).
“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).
Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Nang
ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga
tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na
pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi
nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa
espirituwal na kaharian na hindi nakikita ng mga tao. Sapagkat ang mga
tao na nabubuhay sa laman, hindi sila makadadaan sa espirituwal na
kaharian. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa
sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at
dinaig ang saklaw ng espirituwal na kaharian. Maaari Niyang ipahayag ang
Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na
maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa
kanilang mga buhay, at paggamit ng mga pamamaraan na matatanggap ng mga
tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang
mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang
Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga
kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa
antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at panuntunan ng gawain
ng Diyos sa pagkatao. Bagamat ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang
mga panuntunan sa paggawa sa katawang-tao ay nakakamit karamihan sa
pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resulta
na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos. Ang
gawain ng Diyos sa pagkatao ay higit na kongkreto, mapananaligan, at
nakatuon, ang mga pamamaraan ay lalong higit na naibabagay sa
pangyayari, at sa anyo ay daig ang Kapanahunan ng Kautusan.
mula
sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo
III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
Diyos ay gumagawa ng bagong gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya
ang mas marami sa Kanyang disposisyon, at hindi ito magiging habag at
pag-ibig sa panahon ni Jesus. Yamang mayroon Siyang bagong gawain, ang
bagong gawaing ito ay sasabayan ng isang bagong disposisyon. Kung ang
gawaing ito ay ginawa ng Espiritu-kung ang Diyos ay hindi
nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng
kulog para walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, malalaman
ba ng tao ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa
ng gawain, kung gayon ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala
ang Kanyang disposisyon. Maaari lamang makita ng mga tao ang
disposisyon ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga mata nang Siya ay
nagkatawang- tao, nang ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at
ipinapahayag Niya ang Kanyang kabuuang disposisyon sa pamamagitan ng
katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay
nasasalat; tunay na maaaring makibahagi ang tao sa Kanyang disposisyon
at sa kung anong mayroon at ano Siya; sa paraang ito lamang Siya tunay
na makikilala ng tao.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahing nagpapakita sa mga
tao ng tunay na gawa ng Diyos, upang maisakatuparan ang mga walang hugis
na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan ang mga tao na makita at madama
Siya. Sa ganitong paraan, ang mga nagawa Niyang sakdal ay isasabuhay
Siya, ang mga ito ay makakamtan Niya, at hahangarin ang Kanyang puso.
Kung ang Diyos ay nagsalita lamang sa langit, at hindi aktwal na
dumating sa lupa, ang mga tao ay maaring hindi pa rin magawang kumilala
sa Diyos, maari lamang silang mangaral ng mga gawa ng Diyos gamit ang
walang laman na teyorya, at hindi magkakaroon ng mga tunay na salita ng Diyos. Ang Diyos ay una nang naparito sa lupa upang kumilos bilang isang
huwaran at modelo para sa mga taong nakamtan ng Diyos; sa ganitong
paraan lamang maaaring makilala ng mga tao ang Diyos, at mahaplos ang
Diyos, at makita Siya, at doon lamang sila maaaring tunay na nakamtan ng
Diyos.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
loob ng saklaw ng gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus sa
Kapanahunan ng Biyaya, makikita mo ang isa pang aspeto ng kung anong
mayroon at kung ano ang Diyos. Ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng
Kanyang katawang-tao, at ito ay naging posible para makita at
pahalagahan ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Sa Anak ng
tao, nakita ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao na isinabuhay ang
Kanyang pagkatao, at nakita nila ang pagka-Diyos ng Diyos na inihayag sa
katawang-tao. Ang dalawang uri ng paghahayag na ito ay nagbigay-daan sa
mga tao na makita ang isang totoong tunay na Diyos, at nagtulot sa
kanila na makabuo ng isang naiibang konsepto ng Diyos. Gayunman, sa
yugto ng panahon sa pagitan ng paglikha sa mundo at sa katapusan ng
Kapanahunan ng Kautusan, iyon ay, bago ang Kapanahunan ng Biyaya, kung
ano ang nakita, narinig, at naranasan ng mga tao ay ang aspeto ng
pagka-Diyos ng Diyos. Ito ay ang kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos
sa isang hindi nahihipong kaharian, at ang mga bagay na Kanyang
ipinahayag mula sa Kanyang tunay na persona na hindi maaaring makita o
mahipo. Kadalasan, nagagawa ng mga bagay na ito na maramdaman ng mga tao
na ang Diyos ay napakadakila, at na hindi nila magawang makalapit sa
Kanya. Ang impresyon na karaniwang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay na
Siya ay aandap-andap, at nararamdaman pa ng mga tao na ang bawat isa sa
Kanyang mga saloobin at mga ideya ay masyadong misteryoso at masyadong
mailap na walang paraan para maabot ang mga ito, lalong hindi nagtangka
na maintindihan at pahalagahan ang mga ito. Para sa mga tao, ang lahat
ng mga bagay tungkol sa Diyos ay masyadong malayo—sa sobrang layo ay
hindi na ito makita ng mga tao, hindi na ito mahipo. Mistula Siyang nasa
kalawakan, at parang ni hindi Siya umiiral. Kaya para sa mga tao, ang
pagkaunawa sa puso at isip ng Diyos o anuman sa Kanyang iniisip ay hindi
maaaring makamit, at hindi pa maaabot. Kahit na gumawa ang Diyos ng
ilang kongkretong gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, at nagpalabas din
Siya ng ilang tiyak na mga salita at nagpahayag ng ilang tiyak na mga
disposisyon upang tulutan ang mga tao na pahalagahan at makita ang ilang
kaalaman ukol sa Kanya, ngunit sa katapusan, yaon ang pagpapahayag ng
Diyos sa kung anong mayroon at kung ano Siya sa isang hindi nahihipong
kaharian, at kung ano ang naiintindihan ng mga tao, kung ano ang
nalalaman nila ay sa aspetong pagka-Diyos pa rin ng kung ano ang mayroon
at kung ano Siya. Hindi magawang makamit ng mga tao ang isang
kongkretong konsepto mula sa pagpapahayag na ito ng[a] kung
ano ang mayroon at kung ano Siya, at ang kanilang impresyon ukol sa
Diyos ay nananatili pa rin sa loob ng saklaw ng “ang isang Espiritu na
mahirap malapitan, na aandap-andap.” Sapagkat ang Diyos ay hindi gumamit
ng isang tiyak na bagay o isang imahe sa materyal na kaharian upang
magpakita sa mga tao, hindi pa rin nila Siya magawang ipakahulugan gamit
ang wika ng tao. Sa mga puso at mga isip ng mga tao, palagi nilang
gustong gamitin ang kanilang sariling wika upang makapagtatag ng isang
pamantayan para sa Diyos, upang gawin Siyang nahihipo at gawin Siyang
tao, gaya ng gaano Siya katangkad, gaano Siya kalaki, ano ang Kanyang
hitsura, ano talaga ang gusto Niya at ano ang Kanyang tiyak na
personalidad. Sa totoo lang, sa Kanyang puso nalalaman ng Diyos na
ganito ang iniisip ng mga tao. Napakalinaw Niya sa mga pangangailangan
ng tao, at mangyari pa nalalaman din Niya kung ano ang dapat gawin, kaya
ipinatupad Niya ang Kanyang gawain sa naiibang paraan sa Kapanahunan ng
Biyaya. Sa ganitong paraan ay kapwa maka-Diyos at gawaing makatao. Sa
yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, nakikita ng mga
tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong mga pagpapahayag.
Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan,
maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at
tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong
Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang
pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang
pagpapahayag at isang pagbunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong
ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang
katawang-tao na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila
mararamdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magawang makalapit
sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos
o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos,
ang mga salita, at ang gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng
nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan
ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa
sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at
disposisyon ng Diyos, Kanya ding ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi
nakikita o nahihipo sa espirituwal na kaharian. Ang nakita ng mga tao
ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang
nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling
pagkakakilanlan ng Diyos, kalagayan, larawan, disposisyon, at kung anong
mayroon at kung ano Siya na kongkreto at gawing makatao. Bagamat ang
panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na
may kinalaman sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang
mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling
pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga
pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang
pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin
maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at
kalagayan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa
katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa
harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Anak ng tao,
at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan
ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito
ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at ang
Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit
ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at
katotohanan ng Diyos. Bagamat ang gawain na nakumpleto ng Panginoong
Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya
nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na
kaharian, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan
sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao—hindi ito
maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita
ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang
larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi
ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaring katawanin ang sinumang tao—Hindi
maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo,
at ito ay hindi maitatanggi.
mula sa
“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”
sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
mga pag-aari at pag-iral ng Diyos, ang pinakadiwa ng Diyos, ang
disposisyon ng Diyos-lahat ay ipinakilala sa Kanyang mga salita para sa
sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, hahantong
ang tao sa proseso ng pagsasagawa nila na maunawaan ang layunin sa likod
ng mga salita na ipinahahayag ng Diyos, at maunawaan ang bukal at
pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maunawaan at mapahalagahan ang
nilayong epekto ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang mga
ito ay ang lahat ng mga bagay na dapat maranasan, maunawaan, at maabot
ng tao upang makamit ang katotohanan at buhay, maunawaan ang mga
hangarin ng Diyos, magbago sa kanyang disposisyon, at makayang
magpasakop sa soberanya at mga kaayusan ng Diyos. Sa parehong
pagkakataon na nararanasan, nauunawaan at naaabot ng tao ang mga bagay
na ito, unti-unti niyang matatamo ang pang-unawa sa Diyos, at sa
panahong ito matatamo rin niya ang iba't ibang antas ng kaalaman hinggil
sa Kanya. Ang pang-unawa at kaalamang ito ay hindi lumalabas mula sa
isang bagay na guni-guni o nilikha ng tao, ngunit sa halip mula sa kung
ano ang pinahahalagahan, nararanasan, nararamdaman, at pinatutunayan
niya sa kanyang ganang sarili. Tanging pagkatapos na mapahalagahan,
maranasan, maramdaman, at mapatunayan ang mga bagay na ito na nakakamit
ng kaalaman ng tao sa Diyos ang nilalaman, tanging ang kaalaman na
natatamo niya sa panahong ito ay aktwal, tunay, at tumpak, at ang
prosesong ito-ng pagkamit ng tunay na pang-unawa at kaalaman sa Diyos sa
pamamagitan ng pagpapahalaga, pagpaparanas, pagdamdam, at pagpapatunay
ng Kanyang mga salita-ay walang iba kundi ang tunay na pakikipag-isa ng
tao at Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang tao ay
tunay na hahantong upang mauunawaan at maiintindihan ng tao ang mga
hangarin ng Diyos, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ng tao
ang mga pag-aari ng Diyos at pag-iral, tunay na hahantong upang
mauunawaan at malaman ang pinakadiwa ng Diyos, unti-unting hahantong
upang maunawaan at malaman ang disposisyon ng Diyos, darating nang may
tunay na katiyakan hinggil sa, at tamang kahulugan, ng katotohanan ng
dominyon ng Diyos sa lahat ng nilikha, at matamo ang makabuluhang tindig
sa at kaalaman ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos.
mula sa “Punong Salita” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kailangan
ninyong malaman ang gawain ng Diyos. Matapos lamang ng pagsunod kay
Jesus unti-unting mas nakilala ni Pedro ang gawain ng Espiritu na ginawa
kay Jesus. Sinabi Niya, "Hindi sapat ang umasa sa mga karanasan ng tao
upang makamit ang isang ganap na kaalaman sa Diyos; maaaring maraming
mga bagong bagay mula sa gawain ng Diyos na makatutulong sa atin na
kilalanin ang Diyos." Sa simula, naniwala si Pedro na si Jesus ay
ipinadala ng Diyos, katulad ng isang apostol, at hindi niya nakita si
Jesus bilang si Kristo. Habang tinawag si Pedro upang sumunod[b]
kay Jesus, tinanong siya ni Jesus, "Simon, anak ni Jonah, susunod ka ba
sa Akin?" Sinabi ni Pedro, "Ako'y dapat sumunod sa kanya na isinugo ng
Ama sa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu.
Susunod ako sa Iyo." Mula sa kanyang mga salita, maaaring makita na si
Pedro ay tiyak na walang pagkilala kay Jesus; nakaranas siya ng mga
salita ng Diyos, at inunawa ito sa kanyang sarili, at nagdusa ng
paghihirap para sa Diyos, ngunit hindi niya alam ang gawa ng Diyos.
Matapos ang panahon ng karanasan, nakita ni Pedro kay Jesus ang maraming
mga gawa ng Diyos, nakita ang kagandahan ng Diyos, at nakita ang
karamihan ng pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus. Kaya nakita rin niya na
hindi maaaring masambit ng tao ang mga salita ni Jesus, at hindi
magagawa ng tao ang gawain na ginawa ni Jesus. Sa mga salita at kilos ni
Jesus, sa karagdagan, nakita ni Pedro ang karamihan ng karunungan ng
Diyos, at higit pang banal na gawain. Sa kanyang mga karanasan, hindi
lang niya nakilala ang kanyang sarili, datapwa't ay nakatutok din sa
pagmasid sa mga kilos ni Jesus, kung saan nakatuklas siya ng maraming
bagong mga bagay; ito nga, na mayroong maraming pagpapahayag ng
praktikal na Diyos sa gawa na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus,
at ang mga salita ni Jesus, mga kilos, ang mga paraan kung paano Niya
pinapastol ang mga simbahan at kakaiba ang gawain na natupad Niya mula
sa anumang ordinaryong tao. Kaya, mula kay Jesus natuto siya ng maraming
mga aral na dapat niyang malaman, at sa oras na si Jesus ay malapit ng
ipako sa krus, nagkamit siya ng ilang kaalaman ni Jesus-isang kaalaman
na siyang batayan ng kanyang habambuhay na katapatan kay Jesus, at ng
kanyang pagpapapako ng nakatiwarik para sa kapakanan ni Jesus.
mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.
Sa
panahong sinusundan niya si Jesus, napakarami niyang mga opinyon
tungkol sa Kanya at palagi niyang hinahatulan Siya mula sa kanyang
sariling pananaw. Bagaman mayroon siyang ilang tiyak na antas ng
pang-unawa sa Espiritu, si Pedro ay hindi masyadong naliwanagan, kaya
ang kanyang mga salita nang sinabi niya: "Dapat kong sundan siya na
ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng
Banal na Espiritu." Hindi niya naunawaan ang mga bagay na ginawa ni
Jesus at walang natanggap na pagliliwanag. Pagkatapos na sundan Siya sa
loob ng ilang panahon lumago ang kanyang interes sa kung ano ang ginawa
at sinabi Niya, at kay Jesus Mismo. Naramdaman na niya na pumupukaw si
Jesus kapwa ng pagsuyo at paggalang; nais niyang makasama Siya at
manatiling katabi Niya, at ang pakikinig sa mga salita ni Jesus ang
nagbigay sa kanya ng panustos at tulong. Sa loob ng panahong sinundan
niya si Jesus, pinansin at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol
sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at
pananalita. Natamo niya ang isang malalim na pang-unawa na si Jesus ay
hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay
lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa
tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba,
at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na
kailanman hindi pa niya nakita o naranasan. Nakita niya na kahit na
walang mataas na tayog ni pambihirang pagkatao si Jesus, nagtataglay
Siya ng tunay na pambihira at hindi pangkaraniwang katangian. Bagaman
hindi kayang ganap na maipaliwanag ito ni Pedro, nakita niya na kumilos
si Jesus na naiiba sa lahat, dahil gumawa Siya ng mga bagay-bagay na
malayo sa ginawa ng karaniwang tao. Mula sa panahon ng kanyang
pakikipag-ugnayan kay Jesus, natanto rin ni Pedro na ang Kanyang
karakter ay iba sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag
at hindi kailanman nagmamadali, hindi kailanman eksaherado ni minaliit
ang isang paksa, at isagawa ang Kanyang buhay sa paraang kapwa karaniwan
at kahanga-hanga. Sa pag-uusap, si Jesus ay elegante at kaaya-aya,
hayag at masayahin ngunit panatag, at hindi kailanman winala ang Kanyang
dangal sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Nakita ni Pedro si Jesus na
paminsan-minsang walang imik, ngunit sa ibang pagkakataon ay walang
tigil sa pagsasalita. Paminsan-minsan siya ay masaya na nagiging maliksi
at buhay na buhay tulad ng isang kalapati, at paminsan-minsan nama'y
napakalungkot na hindi Siya nagsasalita, na parang inang binagyo. Kung
minsan Siya ay galit na galit, tulad ng isang matapang na sundalo na
dadaluhong upang pumatay ng mga kaaway, at paminsan-minsan katulad ng
umaatungal na leon. Paminsan-minsan tumatawa Siya; sa ibang pagkakataon
nananalangin at umiiyak Siya. Hindi alintana kung paano man kumilos si
Jesus, lumago ang walang hanggang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa
Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ang pumuno sa kanya ng kaligayahan, ang
Kanyang kalungkutan ang nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit
ang tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at
paghihigpit ang nagpangyaring mahalin niyang tunay si Jesus, na bumubuo
ng totoong paggalang at pagkapanabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting
natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni
Jesus sa loob ng ilang taon.
mula sa “Paano Nakilala ni Pedro si Jesus” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila
ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang
kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan
ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay,
walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami
ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao
nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin,
kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na
makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na
makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa-at
pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga
kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi
tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka't ang pagkilala ng
mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon,
sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata,
at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang
Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga
gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng
Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay
libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit.
Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa
langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng
kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos
sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito,
ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng
tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang
kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan
kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus.
Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang
pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay
dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang
ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.
mula
sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng
Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Para
sa lahat ng mga nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang
disposisyon ay nangangailangan ng pagtaguyod ng mga layunin, at ang
pagkilala sa Diyos ay nangangailangan na masaksihan ang tunay na mga
gawa at ang tunay na mukha ng Diyos. Kapwa ay maaari lamang makamit sa
pamamagitan ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos, at ang kapwa ay
maaari lamang matupad sa pamamagitan ng normal at tunay na katawan. Ang
dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakatawang-tao, at kung bakit dapat
ito ay nasa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil ang mga tao ay
hinihingang makilala ang Diyos, ang mga imahe ng malabo at hindi
pangkaraniwang mga Diyos ay dapat maiwaksi mula sa kanilang mga puso, at
dahil kinakailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon,
dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung
tanging tao ang gagawa sa pagwawaksi ng mga imahe ng malabong Diyos mula
sa mga puso ng mga tao, kung gayon siya ay mabibigo na makamit ang
tamang epekto. Ang mga imahe ng malabong Diyos sa mga puso ng mga tao ay
hindi maaaring mailantad, maiwaksi, o ganap na mapaalis sa pamamagitan
ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posible
na palayasin ang malalim na pagkabaon ng mga bagay na ito mula sa mga
tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang
maaaring ipalit sa mga malabo at hindi pangkaraniwang mga bagay na ito
upang pahintulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa
ganitong paraan lamang maaaring makamit ang takdang epekto. Kinikilala
ng tao na ang Diyos na kanyang hinahangad ng mga nakaraang panahon ay
malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na
ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga
aral ng isang tiyak na indibidwal, ngunit ang nagkatawang-taong Diyos.
Ang mga pagkaintindi ng tao ay inihantad kapag opisyal na ginagawa ng
nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at
pagkatotoo ng nagkatawang-taong Diyos ay ang katumbalikan ng malabo at
hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na
pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kanilang
kaibahan sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa
nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi
mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa pagkatotoo ang
malalabong mga bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na
gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang
may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga
salita. Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling
gawa, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng gawaing ito na Kanyang
kahalili. Hindi mahalaga kung gaano kayaman ang wika ng tao, hindi niya
kaya na magsalita nang maliwanag ang katotohanan at pagiging karaniwan
ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa mas
kapaki-pakinabang na paraan, at maaari lamang Siyang makita nang mas
malinaw, kung ang Diyos ay personal na gagawa sa gitna ng tao at ganap
na itatanghal ang Kanyang larawan at ang Kanyang pagka-Diyos. Ang
epektong ito ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng anumang
maka-lamang tao. Siyempre, ang Espiritu ng Diyos ay hindi rin kayang
makamit ang epekto na ito. … Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay
mas kinakailangaan ang kaligtasan ng nagkatawang-taong Diyos, at mas
nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos.
Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang
magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, painumin siya, magpakain sa
kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na
biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging
ang Diyos sa katawan ang maaaring pagkatiwalaan ng tao, ang pastol ng
tao, ang handang sasaklolo ng tao, at lahat ng ito ay ang
pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.
Ang
mga guni-guni ng tao ay, kung tutuusin, walang laman, at hindi
mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng
Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi mapapagpanggapan ng tao.
Ang hindi-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang mga gawain ay maaari
lamang dalhin sa lupa sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao na
personal na gumagawa ng gawain Niya sa pagitan ng mga tao. Ito ang
pinaka-mainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung
saan ang tao ay nakikita ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng
Diyos, at hindi ito maaaring matamo sa pamamagitan ng isang hindi
nagkatawang-taong Diyos.
mula sa “Ang
Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos
na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon
magagawa mong sambahin na ang taong ito, ngunit sa katunayan ikaw ay
sumasamba sa Espiritu. Ito man lang kahit papaano ang dapat makamit ng
kaalaman ng tao sa pagkatawang tao ng Diyos: ang pagkilala sa substansya
ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang pagkilala sa banal na
gawa ng Espiritu sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao,
habang tinatanggap ang lahat ng mga salita ng Espiritu at mga pahayag sa
katawang-tao, at nakikita kung paano ginagabayan ng Espiritu ng Diyos
ang katawang-tao at ipinapakita ang Kanyang kapangyarihan sa
katawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang tao ay dumating upang malaman ang
Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng
praktikal na Diyos Mismo sa tao ay nag-alis ng malabong pananaw ng mga
tao sa Diyos; ang pagsamba sa praktikal na Diyos Mismo ay nagpataas ng
kanilang pagsunod sa Diyos; at sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu ng
Diyos sa katawang-tao, at gawa ng tao sa katawang-tao, nakatatanggap ng
kaliwanagan ang tao, at pagpapatnubay, at ang mga pagbabago ay nakamit
sa kanyang disposisyon sa buhay. Tanging ito lamang ang aktwal na
kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, at ito ay mahalaga
upang ang mga tao ay maaaring makipag-ugnayan sa Diyos, umasa sa Diyos,
at makamit ang pagkilala sa Diyos.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay
maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang
Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong
sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod
ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang
mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong
sangkatauhan na tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng
Diyos sa katawang-tao sa gitna ng mga tao ang tunay na nagsasakatuparan
sa katunayan ng pagiging Diyos at ang pamumuhay kasama ng mga tao.
Tanging ang gawaing ito ang magsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na
mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig
ang personal na salita ng Diyos. Wawakasan na ng nagkatawang-taong Diyos
ang kapanahunan nang ang likod lamang ni Jehovah ang nagpakita sa
sangkatauhan, at tatapusin din ang kapanahunan ng paniniwala ng
sangkatauhan sa isang malabong Diyos. Sa partikular, ang gawain ng
huling nagkatawang-taong Diyos ay dinadala ang lahat ng sangkatauhan sa
isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya.
Hindi lang Niya tatapusin ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; mas
mahalaga, ibinubunyag Niya sa sangkatauhan ang isang tunay at
pangkaraniwang Diyos, na matuwid at banal, na nagbubukas ng gawain ng
plano sa pamamahala at nagpapakita ng mga misteryo at hantungan ng
sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at dadalhin sa katapusan ang
gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago ng libo-libong taon. Dadalhin
Niya ang kapanahunan ng kalabuan sa isang ganap na katapusan, tatapusin
Niya ang kapanahunan kung saan ang buong sangkatauhan ay ninais na
hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nagawa, wawakasan Niya ang
kapanahunan na kung saan ang buong sangkatauhan ay naglingkod kay
Satanas, at aakayin ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang
ganap na bagong panahon. Ang lahat ng ito ay ang kinalabasan ng gawain
ng Diyos sa katawang-tao sa halip na Espiritu ng Diyos.
mula
sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan
ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang grupo ng mga tao na nais makamit ng Diyos na
nagkatawang-tao sa kasalukuyan ay yaong sumusunod sa Kanyang kalooban.
Kailangan lamang ng mga tao na sundin ang Kanyang gawain, hindi palaging
pinag-aalala ang kanilang mga sarili sa mga ideya ukol sa Diyos sa
langit, mabuhay sa loob ng kalabuan, o gawing mahirap ang mga bagay para
sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong nakakasunod sa Kanya ay yaong mga
walang pasubaling nakikinig sa Kanyang mga salita at sinusunod ang
Kanyang mga pagsasaayos. Ni hindi papansinin ng mga taong ito kung ano
talaga ang nakakatulad ng Diyos sa langit o kung anong uri ng gawain ang
kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan, ngunit
ibinibigay nila nang buo ang kanilang mga puso sa Diyos sa lupa at
inilalagay ang kanilang buong mga pagkatao sa harap Niya. Hindi nila
kailanman isinalang-alang ang kanilang sariling kaligtasan, at hindi
sila kailanman gumawa ng isang pag-aalala sa pagiging normal at
praktikalidad ng Diyos sa katawang-lupa. Yaong mga sumusunod sa Diyos sa
katawang-lupa ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa
Diyos sa langit ay walang anumang makakamit. Ito ay dahil hindi ang
Diyos sa langit, ngunit ang Diyos sa lupa ang nagkakaloob ng mga pangako
at mga pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging pinalalaki ng mga tao
ang Diyos sa langit at titingnan ang Diyos sa lupa bilang
pangkaraniwang tao. Ito ay hindi makatarungan. Ang Diyos sa langit ay
dakila at kamangha-mangha at mayroong kahanga-hangang karunungan, ngunit
ito ay hindi umiiral sa lahat. Ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan
at walang kabuluhan; Siya rin ay masyadong normal. Hindi Niya taglay
ang isang di-pangkaraniwang pag-iisip o mga pagkilos na nakawawasak ng
mundo. Siya ay gumagawa at nagsasalita lamang sa isang napaka-normal at
praktikal na paraan. Samantalang hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan
ng kulog o ipinatatawag ang hangin at ang ulan, Siya talaga ang
pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na
namumuhay sa gitna ng mga tao. Hindi kailangang palakihin ng mga tao ang
isa na nagagawa nilang maunawaan at na tumutugma sa kanilang sariling
mga imahinasyon bilang Diyos, o tingnan ang Isa na hindi nila kayang
tanggapin at walang pasubaling hindi kayang isipin bilang mababa. Ang
lahat ng ito ay pagiging mapanghimagsik ng mga tao; ito ang lahat ng
pinagmulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.
mula
sa “Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa
Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay na Umiibig Sa Diyos” sa Ang
Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “ang pagpapahayag nito ng.”
b. Ang orihinal na teksto ay nagsasabing “ay sumusunod.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento