Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Martes, Agosto 28, 2018

Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)

Bakit mabangis na inuusig, sinusupil at tinutugis ng pamahalaang Chinese Communist ang Makapangyarihang Diyos at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29).

    “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19).

    “Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:12-14).

    “At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. … At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake” (Pahayag 12:7-9, 13).

 








Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: 

    Ito ang mga katotohanan: Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan na higit sa mga ibang anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay sa kanya ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at tuksuhin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. … Hinangad nga ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan Niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t-ibang maruruming espiritu ang mga ito.

mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, tumitingin sa isang tao, at si Satanas ay sumusunod-sunod sa Kanyang bawat hakbang. Sinuman na pinapaboran ng Diyos, nagbabantay din si Satanas, tumutugaygay sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang nasa kapangyarihan nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t-ibang masasamang mga kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na magkaroon ang Diyos ng sinuman; nais nito ang lahat ng yaon na nais ng Diyos, ang angkinin sila, kontrolin sila, pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng mga masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Si Satanas ay nakikipag digmaan sa Diyos, sumusunod-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay buwagin ang lahat ng gawa na nais gawin ng Diyos, angkinin at kontrolin yaong mga nais ng Diyos, ganap na patayin yaong mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapapatay, samakatwid sila ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, ito ay hindi mabatang karumihan, paghihirap ay nananagana, mga multong gumagala sa bawat sulok nito, nakakalansi at nakakalinlang, gumagawa ng mga walang batayang paratang,[5] nagiging walang awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong may kalat na patay na katawan; sumasakop sa lupa ang baho ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na nababantayan.[6] Sino ang kayang makita ang mundo na lampas sa himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang lahat ng katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagalit nang labis ang hari ng mga demonyo sa loob ng ilang libong taon, hanggang ngayon sa kasalukuyan, habang patuloy nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na parang ito ay hindi mapapasok na “palasyo ng mga demonyo”; ang pangkat na ito ng mga asong tagapagbantay, samantala, tumititig nang may nanlilisik na mga mata, lubhang natatakot na mahuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lipulin silang lahat, iniiwan sila nang walang lugar ng “kapayapaan at kaligayahan.” … Maliit na himala, pagkatapos, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang tao: Sa madilim na lipunan na tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at malupit, paanong ang hari ng mga demonyo, na pumapatay ng mga tao sa isang kurap ng mata, titiisin ang pag-iral ng Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at pasayahin ang pagdating ng Diyos? Ang mga utusang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na simula noong hamakin nila ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, malupit sila sa kalabisan, wala silang ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawala nila ang lahat ng budhi, datapuwa’t walang bakas ng kagandahang-loob…. Relihiyosong kalayaan? Ang lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Sila ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit maglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gagamit ng iba’t-ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Saan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gagamit madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gagamit ng puwersa para supilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi payagan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tutugisin ang Diyos hanggang wala na Siyang kahit saan na mapapahingahan ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa mga tao? Bakit magdudulot ng gayong desperadong matinding pagnanasa sa Diyos? Bakit ginagawa ang Diyos na tumawag muli at muli? Bakit pipilitin ang Diyos na mag-alala sa Kanyang minamahal na Anak? Bakit itong madilim na lipunan at ang kanyang nakakaawang bantay na aso ay hindi pinahintulutan na malayang dumating ang Diyos at pumunta sa gitna ng mundo na nilikha Niya?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento