Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”
Sa loob ng
libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng
Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas
na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga
taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon.
Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga
tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na
napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na
muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga
Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga
kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na
pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa
kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging
katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at
kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi
kailanman sinusumbatan ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad
at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay rin muli
sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na
sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang
pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat
ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan
ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling
araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap
at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng
lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas
ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa
pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperadong pinananabikan ang
biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus
nang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay
naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na
mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap,
at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad
din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting
ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang
bumalik Siya sa langit), sa mga taong desperadong nananabik sa Kanya sa
loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit
ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng
pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para
sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at
pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na
Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran
nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad
sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang
nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya
kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao
ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na
nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang
Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng
Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang
gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman
ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at
pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na
pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman
hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita
sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo nang
di-matuwid, nagsusuot ng mga damit nang di-matuwid, na naniniwala sa
Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang
tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng
pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng
pagtubos. Ngunit ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo,
na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at
paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon
bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos ang
tao, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus
na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya
subalit hindi Siya nakikilala.