★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★
Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ang layunin
ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong
sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa
sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain
ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng
pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas
na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan...
.……...
…
Kapag ang buong pamamahala ng Diyos ay malapit na sa katapusan, uuriin
ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri. Ang tao ay ginawa ng mga kamay
ng Maylalang, at sa katapusan dapat Niyang ganap na ibalik ang tao sa
ilalim ng Kanyang dominyon; ito ang konklusyon ng tatlong mga yugto ng
gawain. ...
… Kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay dumating sa
katapusan, magkakaroon ng isang pangkat niyaong mga nagdadala ng
patotoo sa Diyos, isang pangkat niyaong mga nakakakilala sa Diyos. Ang
mga taong ito ay makikilala ang Diyos at makakayang isagawa ang
katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman
lahat ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang
gawain na matutupad sa katapusan, at ang mga taong ito ay ang
pagbubuu-buo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang
pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas.
mula
sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan
Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano
na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o
tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang
Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at
ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa
tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng
bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga
pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad
batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking
pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin
si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang
kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas,
at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng
sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang
kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging
kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang
Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang
makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang
malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa
mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang
walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama,
katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang
dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na
sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang
tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng
sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa
tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang
Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga
nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sapagkat
ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng
kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng
Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay
nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas
ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat
ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng
pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang
siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao
ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay
natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na
nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan,
ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas.
Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas,
mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay
magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni
Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito,
at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang
labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng
sangkatauhan ay makumpleto na.
mula sa
“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa
Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang
sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang
Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung
bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos— at bigyang-kalayaan ang
kasamaan ni Satanas. Pagkatapos, paisa-isang hakbang na binabawi ng
Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na
sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng
Diyos. Ang lahat ng ito ay parang kathang-isip na kwento; at tila ito'y
nakakalito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na
kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang
nangyari sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi
nila alam kung ilang kuwento ang nangyari sa kalawakan ng sansinukob na
ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahalagahan ang mas
kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila
ng materyal na mundo, ngunit kung saan pinipigilan sila ng kanilang
mortal na mga mata na makakita. Pakiramdam dito ay hindi mauunawaan ng
tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng
pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng
pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais
na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina
Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala
ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa
Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama
ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama;
nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at
lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at
pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat
ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang
kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na
maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si
Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na
nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa
sangkatauhan. …
…………
Ang pag-ibig at habag ng Diyos ay
nanunuot sa bawa’t kaliit-liitang detalye ng Kanyang gawaing pamamahala,
at hindi alintana kung makakaya mang maunawaan ng mga tao ang mga
mabubuting intensyon ng Diyos, Siya ay wala pa ring kapagurang gumagawa
ng gawaing ninanais Niyang tuparin. Walang pagsasaalang-alang sa kung
gaano nauunawaan ng mga tao ang pamamahala ng Diyos, ang mga pakinabang
at tulong ng gawaing ginawa ng Diyos ay maaaring mapahalagahan ng bawat
isa. Marahil, ngayon, hindi mo pa nadama ang alinman sa pag-ibig o buhay
na ipinagkaloob ng Diyos, nguni’t hangga’t hindi mo tinatalikuran ang
Diyos, at hindi sumusuko sa iyong determinasyong hanapin ang
katotohanan, kung gayon palaging magkakaroon ng araw kung kailan
mabubunyag sa iyo ang ngiti ng Diyos. Dahil ang layunin ng gawain ng
pamamahala ng Diyos ay upang bawiin ang sangkatauhang nasa ilalim ng
sakop ni Satanas, hindi upang talikuran ang sangkatauhang pinasama ni
Satanas at lumalaban sa Diyos.
mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha
ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang
pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang
sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng
sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang
sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa
kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan
mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa
kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag
Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao,
ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik
ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Naiwala ng tao ang
kanyang pusong takot sa Diyos matapos na gawing masama ni Satanas at
naiwala ang tungkulin na dapat mataglay ng isa sa mga nilalang ng Diyos,
at naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng
sakop ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan
ang Diyos na kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang
hindi nagawang makamit ang takot mula sa Kanyang mga nilikha. Ang tao ay
nilalang ng Diyos, at kinakailangang sumamba sa Diyos, nguni’t ang tao
ay tunay na tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si
Satanas sa puso ng tao. Kaya naiwala ng Diyos ang Kanyang katayuan sa
puso ng tao, na ibig sabihin ay naiwala Niya ang kahulugan ng Kanyang
paglikha sa tao, kaya’t upang ibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha
sa tao ay dapat Niyang ibalik ang tao sa orihinal nitong wangis at
alisin sa tao ang kanyang masamang disposisyon. Upang mabawi ang tao
mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan.
Tanging sa ganitong paraan maaari Niyang unti-unting ibalik ang orihinal
na wangis ng tao at ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, at sa
katapusan ay mapanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang kahuli-hulihang
pagkawasak niyaong mga anak ng pagsuway ay isasakatuparan din upang
tulutan ang tao na sambahin ang Diyos nang mas mabuti at mamuhay sa
mundo nang mas maayos. Yamang nilalang ng Diyos ang tao, gagawin Niyang
sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na tungkulin
ng tao, panunumbalikin Niya itong lubos, at nang walang anumang halo.
Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay ang gawin ang
tao na sambahin Siya at gawin ang tao na sumunod sa Kanya; ang ibig
sabihin nito ay gagawin Niya na ang tao ay nabubuhay dahil sa Kanya at
gagawin na mamatay ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad;
ito ay nangangahulugan na gagawin Niya ang bawa’t huling bahagi Niya na
manatili sa gitna ng sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng
tao. Ang kaharian na ninanais Niyang maitatag ay ang Kanyang sariling
kaharian. Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay isa na sumasamba sa Kanya,
isa na ganap na sumusunod sa Kanya at mayroong Kanyang kaluwalhatian.
Kung hindi Niya ililigtas ang masamang sangkatauhan, ang kahulugan ng
Kanyang paglikha sa tao ay mauuwi sa wala; mawawalan Siya ng awtoridad
sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na magagawang umiral sa lupa.
Kung hindi Niya wawasakin ang mga kaaway na iyon na suwail sa Kanya,
hindi Niya makukuha ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi rin
Niya maaaring itatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo
ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng
Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin yaong mga nasa
gitna ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at upang dalhin
yaong mga nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan. Kapag ang sangkatauhan
ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang
tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili
ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng
Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa lupa na
sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa
na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay
sa lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol
magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na
layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa
paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng
Kanyang awtoridad sa lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga
bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga
ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang
sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na
sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang
kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan
na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay
mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa lupa. Ang lahat ng sumasalungat
sa Diyos sa lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao
na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lang ang
mananatili.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag
ang tao ay pumasok na sa walang hanggang hantungan, sasambahin ng tao
ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na
sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga
layunin, ni, higit pa rito, hindi na kailangan pa na mag-alala na siya
ay kinubkob ni Satanas. Sa oras na ito, malalaman ng tao ang kanyang
lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila
parusahan o hatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa
oras na iyon, magiging nilikha ang tao sa parehong pagkakakilanlan at
kalagayan. Wala nang magiging pagtatangi tungkol sa mataas at mababa;
bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay
mabubuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan,
tutuparin ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa
Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang
sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa oras na iyon, matatamo na ng tao
ang isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng
pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang
Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang
kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas. Lubos nang matatalo
ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin
nito’y mababawi na ng Diyos ang orihinal na anyo ng tao sunod sa Kanyang
paglikha, at dahil dito, ang orihinal na layunin ng Diyos ay matutupad
na.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay
ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa
Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pamamahala sa tao
ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na
naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na
ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang
kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang
paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang
Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang
magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak
nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito.
... Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal
nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang
larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas,
nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw.
Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't
kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao
ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa
ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway
na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay
nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang
panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at
dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging
inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni
Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama.
... Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking
patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko
na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap
ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko
ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati.
Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi
Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas.
At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging
nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking
minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan,
masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati.
Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni
Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal
na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na
umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga
natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking
luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang
tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng
Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.
mula sa “Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Matapos
Niyang isagawa ang Kanyang 6,000 taon ng gawain hanggang sa
kasalukuyan, naibunyag na ng Diyos ang marami Niyang pagkilos, una sa
lahat upang matalo si Satanas at mailigtas ang buong sangkatauhan.
Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang pahintulutan ang lahat sa
langit, ang lahat sa lupa, ang lahat ng nasasakop ng mga dagat gayundin
ang lahat ng bagay sa lupa na nilikha ng Diyos na makita ang Kanyang
pagka-makapangyarihan at upang makita ang lahat ng mga pagkilos ng
Diyos. Sinusunggaban Niya ang pagkakataong talunin si Satanas upang
ibunyag ang lahat ng Kanyang pagkilos sa sangkatauhan at pahintulutan
ang mga tao na Siya ay sambahin at purihin ang Kanyang karunungan sa
pagtalo kay Satanas. Ang lahat ng nasa lupa, sa langit at napapaloob sa
karagatan ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri ang Kanyang
pagka-makapangyarihan, pinupuri ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at
isinisigaw ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng pagtalo Niya
kay Satanas; ito ang patunay ng paglupig Niya kay Satanas; mas
mahalaga, ito ay patunay ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang
buong nilikha ng Diyos ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri
Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at matagumpay na pagbabalik at
pinupuri Siya bilang dakilang matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay
hindi lamang upang talunin si Satanas, kaya ang gawain Niya ay
nakapagpatuloy sa loob ng 6,000 taon. Ginamit Niya ang pagkatalo ni
Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginamit Niya ang pagkatalo ni
Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at ibunyag ang
Kanyang kaluwalhatian. Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian, at ang
pulutong ng mga anghel ay makikita rin ang Kanyang kaluwalhatian. Ang
mensahero sa langit, ang mga tao sa lupa at ang lahat ng sangnilikha sa
lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Maylalang. Ito ang gawain na
Kanyang isinasagawa. Ang sangnilikha Niya sa langit at lupa ay lahat
makikita ang Kanyang kaluwalhatian, at magbabalik Siya nang matagumpay
matapos na lubos na talunin si Satanas at pahihintulutan ang
sangkatauhan na purihin Siya. Matagumpay Niyang makakamit ang parehong
aspetong ito. Sa katapusan, ang lahat ng sangkatauhan ay malulupig Niya,
at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway, ibig sabihin,
lilipulin ang lahat ng kabilang kay Satanas.
mula
sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan
Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang tao ang dalubhasa sa lahat ng mga bagay, ngunit
silang mga natamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan kay Satanas.
Si Satanas ang nagpapasama sa lahat ng mga bagay, ito ang talunan sa
katapusan ng lahat ng digmaan, at siya ring maparurusahan pagkatapos ng
mga digmaan na ito. Sa pagitan ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging
si Satanas ang siyang kasusuklaman at itatakwil. Ang mga natamo ni
Satanas ngunit mga hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, yaon ang
siyang mga makatatanggap ng kaparusahan sa pangalan ni Satanas. Sa
tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng mga bagay.
Yaong mga pinasama ni Satanas subalit mga nabawing muli ng Diyos at mga
sinusundan ang landas ng Diyos, samantala, sila ang makatatanggap ng
pangako ng Diyos at hahatol sa mga masasamang tao para sa Diyos. Ang
Diyos ang tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas,
ngunit sa mga tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo.
Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa Matagumpay, at yaong mga matatalo
ay mapapabilang sa sawi; ito ang pag-uuri sa bawat isa alinsunod sa uri,
ito ang huling kalalabasan ng lahat ng gawain ng Diyos, ito rin ang
layunin ng lahat ng gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago.
Ang sentro ng pangunahing gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos ay
nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging tao sa kapakanan
unang-una ng lahat ng kaibuturang ito, para sa kapakanan ng gawaing ito,
at nang upang matalo si Satanas.
mula sa
“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa
Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang lahat ng mga tao ay kailangang maunawaan ang
layunin ng Aking gawa sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng
Aking gawa at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito
bago ito maging ganap. Kung, pagkaraang maging kasama Ko hanggang sa
araw na ito, ang mga tao ay hindi pa rin nauunawaan kung ano ang tungkol
sa Aking gawa, kung gayon hindi ba walang kabuluhan ang pagsama nila sa
Akin? Ang mga tao na sumusunod sa Akin ay dapat malaman ang Aking
kalooban. Ginagawa Ko ang Aking gawain sa daigdig ng libu-libong taon,
at hanggang sa araw na ito ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa
paraang ito. Bagaman may maraming mga pambihirang bagay na kabilang sa
Aking gawa, ang layunin ng gawaing ito ay nanatiling hindi nagbabago;
tulad lang ng, bilang halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at
pagkastigo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa
pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng
Aking ebanghelyo at pagpapalawak pa ng Aking gawain sa lahat ng mga
bansang Gentil, kapag ang tao ay nagawa nang ganap. Kaya ngayon, sa
panahon kung kailan maraming tao ang matagal nang lubhang nabigo sa
kanilang mga pag-asa, patuloy pa rin Ako sa Aking gawa, nagpapatuloy sa
Aking gawain na dapat Kong gawin na hatulan at kastiguhin ang tao. Sa
kabila ng katotohanan na ang tao ay nayayamot sa Aking sinasabi at sa
kabila ng katotohanan na wala siyang paghahangad na iukol ang kanyang
sarili sa Aking gawain, isinasagawa Ko pa rin ang Aking tungkulin,
sapagkat ang layunin ng Aking gawa ay nananatiling hindi nagbabago at
ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang katungkulan ng Aking
paghatol ay upang magbigay ng kakayahan sa tao na maging mas mahusay ang
pagsunod sa Akin, at ang katungkulan ng Aking pagkastigo ay mahayaan
ang tao na mas mabisang mabago. Bagaman ang Aking ginagawa ay
alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa ng anumang
bagay na naging walang pakinabang sa tao. Iyon ay dahil nais Kong gawin
ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na kasing-masunurin ng mga
Israelita, at gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon may
pinanghahawakan Ako sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking
pamamahala; ito ang gawa na Aking tinutupad sa mga bansang Gentil. Kahit
ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nauunawaan ang Aking pamamahala,
sapagkat wala silang interes sa mga bagay na ito, kundi magmalasakit
lamang sa kanilang mga sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang
Aking sabihin, ang mga tao ay walang-malasakit pa rin sa gawaing Aking
ginagawa, sa halip ay tanging nakatuon lamang sa kanilang mga hantungan
sa hinaharap. Kung ang mga bagay ay magpapatuloy sa ganitong paraan,
paano mapapalawak ang Aking gawa? Paano maipapalaganap ang Aking
ebanghelyo sa buong mundo? Dapat ninyong malaman, na kapag ang Aking
gawa ay lumawak, ikakalat Ko kayo, at pupuksain Ko kayo, gaya nang
puksain ni Jehova ang bawat isang tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay
gagawin upang ipalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, at
palaganapin ang Aking gawa sa mga bansang Gentil, nang ang Aking
pangalan ay maaaring madakila ng parehong mga matatanda at mga bata, at
ang Aking banal na pangalan ay dinakila ng mga bibig ng mga tao mula sa
lahat ng mga tribo at bansa. Sa pangwakas na kapanahunang ito,
dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, dahilan upang
makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, na maaari nila Akong tawaging
ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at magawa ito
upang ang Aking mga salita ay maaaring malapit nang matupad. Gagawin
Kong malaman ng lahat ng tao na hindi lamang Ako ang Diyos ng mga
Israelita, kundi ang Diyos rin ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil,
kahit na iyong Aking isinumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na
Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawa,
ang layunin ng Aking plano ng paggawa para sa mga huling araw, at ang
tanging gawain na dapat matupad sa mga huling araw.
mula
sa “Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng
Pagliligtas ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento