Si Juan ay gumawa para kay Jesus saloob ng
pitongtaon, at inihandana ang daannangsi Jesus ay dumating. Bago ito,
ang ebanghelyo ng kaharian ng langit na ipinangara lni Juan ay narinig
sa lahat ng dako ng bayan, kaya ito ay lumaganap sa kabuuan ng Judea, at
tinawag siya ng lahat na isang propeta. Sa panahong iyon, nais ni
Haring Herodes na patayin si Juan, ngunit hindi siya nangahas, sapagkat
mataas ang pagtingin ng mga tao kay Juan, at natatakot si Herodes na
kapag pinatay niya si Juan sila ay mag-aalsa laban sakanya. Ang gawaing
ginawa ni Juan ay nagsimula ng lumago sa gitna ng mga karaniwang tao, at
ginawa niyang mananampalataya ang mga Judio. Sa loob ng pitong taon
inihanda niya ang daan para kay Jesus, hanggang sa panahong sinimulan ni
Jesus nagampanan ang Kanyang ministeryo. At kaya, si Juan ang
pinakadakila sa lahat ng mga propeta. Sinimulan lamang ni Jesus ang
Kanyang opisyal na gawain pagkatapos ng pagkakakulong ni Juan. Bago kay
Juan, hindi kailanman nagkaroon ng isang propeta na naghanda ng daan
para sa Diyos, sapagkat bago kay Jesus, ang Diyos ay hindi kailanman
naging tao noong una. At kaya, sa lahat ng mga propeta hanggang kay
Juan, siya lamang ang nag-iisang nagbukas ng daan para sa Diyos na
nagkatawang-tao, at sa ganitong paraan si Juan ay naging pinakadakilang
propeta ng mga Lumang at Bagong Tipan. Sinimulan ni Juan ang
pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang
bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang mga isinagawa niyang gawain ay
tila higit sa mga gawain ni Jesus, ngunit siya ay, gayunpaman, isa rin
lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, ngunit
sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, sa katunayan,
sa bayan ng mga Hudyo, lalo na ang mga mahihirap. Bihira siyang
nakisalamuha sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan,
ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang
maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at
maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya ay maaaring gumawa.
Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda, nakapagsimula
agad ang Diyos sa Kanyang daan ng krus matapos ang pagdating Niya. Nang
nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya
kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang
personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi
Siya nagsagawa ng mga ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na
ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating. Natapos
na ni Juan ang ganitong gawain bago sinimulan ni Jesus ang Kanyang
gawain, sapagkat nang dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin
ang Kanyang gawain, agad Siyang gumawa sa kanila na matagal nang
naghihintay saKanya. Si Jesus ay hindi dumating upang gawin ang gawain
ng tao, o ang gawain ng pagtutuwid na dumating sa tao. Siya ay dumating
para lamang gampanan ang Kanyang ministeryo na Kanyang gagampanan, at
lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Kanya. Nang si Juan ay dumating,
wala siyang ginawa kundi ang ilabas mula sa templo at sa gitna ng mga
Hudyo ang isang grupo ng mga iyon na tinanggap ang ebanghelyo ng
kaharian ng langit, upang sila ay maaaring maging mga pakay sa gawain ng
Panginoong Jesus. Gumawa si Juan sa loob ng pitong taon, gayon maaaring
sabihin na ipinalaganap niya ang ebanghelyo sa loob ng pitong taon. Sa
panahon ng kanyang gawain, hindi nagsagawa si Juan ng mga himala, dahil
ang kanyang gawain ay ang ihanda ang lahat para kay Jesus. Ang lahat ng
ibang mga gawain, ang gawaing isasagawa ni Jesus, ay walang kaugnayan sa
kanya; hiniling lang niya sa mga tao na ipagtapat ang kanilang mga
kasalanan at magsisi, at bautismuhan ang mga tao, upang sila ay
maligtas. Kahit na nagsagawa siya ng mga bagong gawain, at nagbukas ng
daan na hindi pa kailanman nilalakaran ng tao, inihanda rin lamang niya
ang daan para kay Jesus. Siya ay propeta na nagsagawa lang ng gawain ng
paghahanda, at walang kakayahan upang isagawa ang gawain ni Jesus. Hindi
man si Jesus ang unang nangusap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at
kahit ipinagpatuloy Niya ang landas na sinimulan ni Juan, wala pa ring
makagagawa ng Kanyang gawain, at ito’y higit sa gawain ni Juan. Hindi
kayang ihanda ni Jesus ang sarili Niyang daan; ang Kanyang gawain ay
direktang naisagawa sa ngalan ng Diyos. Kaya, gaano man kadaming taong
gumawa si Juan, siya ay isa pa ring propeta at isa ring naghanda sa daan
ni Jesus. Ang tatlong taong gawain ni Jesus ay hinigitan ang pitong
taon na gawain ni Juan, dahil ang sangkap ng kanilang mga gawain ay
hindi pareho. Nang simulang gampanan ni Jesus ang Kanyang ministeryo, na
ito rin ay kung kailan dumating sa wakas ang gawain ni Juan, si Juan ay
nakapaghandana nang sapat na mga tao at mga dako para gamitin ng
Panginoong Jesus, at ang mga ito ay sapat para simulan ng Panginoong
Jesus ang tatlong taong gawain. At kaya, sasandaling ang gawain ni Juan
ay natapos, opisyal na sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang
sariling gawain, at ang mga salitang sinabi ni Juan ay isinantabi. Iyon
ay dahil sa ang gawaing ginawa ni Juan ay para lamang sa kapakanan ng
pagbabagong-kalagayan at ang kanyang mga salita ay hindi ang mga salita
ng buhay na mag-aakay sa tao sa panibagon gpaglago; sa bandang huli, ang
kanyang mga salita ay pansamantala lamang ang paggamit.
Ang gawain na ginawa ni Jesus ay hindi di-pangkaraniwan; mayroong
isang proseso dito, at ito lahat ay sumulong alinsunod sa normal na mga
batas ng mga bagay. Sa huling anim na buwan ng Kanyang buhay, nalaman ni
Jesus nang may katiyakan na dumating Siya upang gawin ang gawaing ito,
at nalaman na dumating Siya upang ipako sa krus. Bago Siya ipinako sa
krus, patuloy na nanalangin si Jesus sa Diyos Ama, kagaya lamang nang
Siya ay nanalangin nang tatlong beses sa Hardin ng Gethsemane.
Pagkatapos na Siya ay mabautismuhan, ginampanan ni Jesus ang Kanyang
ministeryo sa loob ng tatlo at kalahating taon, at ang Kanyang opisyal
na gawain ay tumagal ng dalawa at kalahating taon. Sa unang taon, Siya
ay inakusahan ni Satanas, at ginambala ng mga tao, at sumailalim sa
tukso ng tao. Napagtagumpayan Niya ang maraming mga tukso kasabay nang
pagpapatupad sa Kanyang gawain. Sa huling anim na buwan, nang si Jesus
ay malapit nang ipako sa krus, mula sa bibig ni Pedro ay lumabas ang mga
salita na Siya ang Anak ng Diyos na buhay, na Siya ay si Kristo. Doon
lamang naging hayag sa lahat ang Kanyang pagkakakilanlan at gawain, doon
lamang nabunyag ang mga ito sa publiko. Pagkatapos noon, sinabihan ni
Jesus ang Kanyangmga disipulo na Siya ay ipapako sa krus para sa
kapakanan ng tao, at pagkatapos ng tatlong araw Siya ay mabubuhay na
mag-uli; na Siya ay dumating upang ipatupad ang gawain ng pagtubos, at
Siya ang Tagapagligtas. Sa huling anim na buwan lamang Niya ibinunyag
ang Kanyang pagkakakilanlan at ang gawain na nilayon Niyang gawin. Ito
rin ang panahon ng Diyos, at ang gawain ay dapat ipatupad sa gayon. Sa
panahong iyon, ang bahagi ng gawain ni Jesus ay alinsunod sa Lumang
Tipan, gayundin sa mga kautusan ni Moises at sa mga salita ni Jehovah sa
Kapanahunan ng Kautusan. Isinagawa ni Jesus ang lahat ng mga ito bilang
bahagi ng Kanyang mga gawain. Nangaral Siya sa mga tao at tinuruan sila
sa mga sinagoga, at ginamit Niya ang mga hula ng mga propeta sa Lumang
Tipan upang sawayin ang mga Fariseong mayroong pagkapoot sa Kanya, at
ginamit ang mga salita sa Banal na Kasulatan upang ibunyag ang kanilang
pagsuway at kung gayon sila ay isumpa. Dahil kinamuhian nila ang mga
ginawa ni Jesus; sa partikular, karamihan sa gawain ni Jesus ay hindi
ayon sa kautusan sa Banal na Kasulatan, at, higit pa rito, ang Kanyang
mga itinuro ay mas mataas kaysa sa kanilang mga sariling salita, at
higit na mas mataas pa sa iyong mga hula ng mga propeta sa Banal na
Kasulatan. Ang gawain ni Jesus ay para sa kapakanan ng pagtubos sa tao
at ang pagpako sa krus. Kaya, hindi Niya kailangang higit pang mangusap
upang malupig ang sinumang tao. Ang karamihan sa Kanyang mga itinuro sa
tao ay mula sa mga salita sa Banal na Kasulatan, at kahit na ang Kanyang
gawain ay hindi higit sa Banal na Kasulatan, naisagawa pa rin Niya ang
gawaing pagpapapako sa krus. Ang Kanyang gawain ay hindi gawain ng
salita, ni para sa kapakanan ng sangkatauhan, sa halip ito ay upang
matubos ang sangkatauhan. Gumanap lang Siya bilang alay para sa
kasalanan ng sangkatauhan, at hindi gumanap bilang mapagkukunan ng mga
salita para sa sangkatauhan. Hindi Niya isinagawa ang gawain ng mga
Gentil, na gawain ng panlulupig sa tao, ngunit isinagawa ang gawain ng
pagpapapako sa krus, gawain na isinagawa sa mga naniniwala na mayroong
Diyos. Kahit na ang Kanyang gawain ay naisakatuparan sa saligan ng Banal
ng Kasulatan, at ginamit Niya ang mga hula ng mga matatandang propeta
upang isumpa ang mga Fariseo, ito ay sapat na upang matapos ang gawain
ng pagpapapako sa krus. Kung ang gawain sa ngayon ay isinasagawa pa rin
sa saligan ng mga hula ng mga propeta sa Banal na Kasulatan, gayon
magiging mahirap na kayo ay malupig, dahil ang Lumang Tipan ay hindi
naglalaman ng mga ulat ng inyong hindi pagsunod at mga kasalanan ninyong
mga taong Tsino, walang kasaysayan ng inyong mga kasalanan. At kaya,
kung ang gawaing ito ay nananatili pa rin sa Biblia, hindi kayo
kailanman susuko. Ang Biblia ay nagtatala lang ng kaunting kasaysayan
tungkol sa mga Israelita, isang hindi kayang itakda kung kayo ay mabuti o
masama, o hatulan kayo. Ipagpalagay na kayo ay hahatulan Ko ayon sa
kasaysayan ng mga Israelita—Ako pa ba ay inyong susundin katulad ng
inyong pagsunod ngayon? Alam niyo ba kung gaano kayo kasutil? Kung
walang binitiwang mga salita sa yugtong ito, magiging imposible ang
pagtapos sa gawain ng panlulupig. Dahil hindi Ako pumarito upang maipako
sa krus, nararapat Akong magbitiw ng mga salita na hiwalay mula sa
Biblia, upang ikaw ay malupig. Ang gawain na ginawa ni Jesus ay mataas
lamang ng isang baitang kaysa sa Lumang Tipan; ito ay ginamit upang
simulan ang ang isang kapanahunan, at upang pangunahan ang gayong
kapanahunan. Bakit Niya sinabing, “Ako'y naparito hindi upang sirain,
kundi upang ganapin”? Subalit sa Kanyang gawain marami ang naiiba mula
sa mga batas na isinasagawa at ang mga utos na sinusunod ng mga
Israelita ng Lumang Tipan, sapagkat hindi Siya dumating upang sumunod sa
batas, ngunit para tuparin ito. Kasama sa proseso nang pagtupad nito
ang maraming totoong mg abagay:Ang Kanyang gawain ay higit na praktikal
at totoo, at, tangi sa roon, ito ay buhay, at hindi ang bulag na
pagsunod sa doktrina. Hindi ba pinanatili ng mga Israelita ang Sabbath?
Nang si Jesus ay dumating hindi Siya sumusunod sa Sabbath, sapagkat
Kanyang sinabi na ang Anak ng tao ay ang Panginoon ng Sabbath, at kapag
ang Panginoon ng Sabbath ay dumating, gagawin Niya ang gusto Niya. Siya
ay dumating upang tuparin ang mga batas ng Lumang Tipan at upang baguhin
ang mga batas. Ang lahat ng naisagawa ngayon ay batay sa kasalukuyan,
ngunit ito pa rin ay umaasa sa saligan ng gawain ni Jehovah sa
Kapanahunan ng Kautusan, at hindi lumalabag sa saklaw na ito. Ang
bantayan ang inyong mga dila, at ang hindi pangangalunya,
halimbawa—hindi ba’t ito ang mga kautusan ng Lumang Tipan? Ngayon, ang
mga hinihingi sa inyo ay hindi lang limitado sa Sampung Utos, ngunit
ito’y mga utos at kautusan na higit na mataas kaysa sa yaong mga dati,
ngunit hindi ito nangangahulugan na nabuwag yaong mga nauna, dahil ang
bawat yugto ng gawain ng Diyos ay isinasagawa sa saligan ng yugto na
dumating bago ito. Ang gayong ipinakilala ni Jehovah sa Israel, kagaya
ng pagbibigay ng sakripisyo, ang paggalang sa iyong ama at ina, ang
hindi pagsamba sa mga diyus-diyusan, ang hindi pagsalakay sa iba, ang
hindi pagsumpa sa iba, ang hindi paggawa ng pakikiapid, hindi
paninigarilyo, hindi pag-inom, hindi pagkain sa patay, at ang hindi
pag-inom ng dugo, hindi ba ito ang iyong saligan sa pagsasagawa maging
sa kasalukuyan? Ito ay sa saligan ng nakaraan na ang gawain ay
ipinatutupad hanggang sa kasalukuyan. Bagamat ang mga batas ng nakaraan
ay hindi na binabanggit, at ang mga bagong kinakailangan ay ginawa ukol
sa iyo, ang mga batas na ito ay hindi pa naaalis, at sa halip, ang mga
ito ay pinaunlad. Upang sabihin na ang mga ito ay naaalis ay
nangangahulugan na ang nakaraang kapanahunan ay lipas na sa panahon,
ngunit mayroong ilang mga utos na palagi mong dapat igalang. Ang mga
utos noong nakaraan ay isinagawa na, naging katauhan na ng tao, at hindi
na kinakailangang ulit-ulitin ang mga utos na huwag manigarilyo, huwag
uminom, at iba pa. Sa saligang ito, inilatag ang mga bagong utos
alinsunod sa inyong mga pangangailangan sa kasalukuyan, alinsunod sa
inyong tayog, at alinsunod sagawain ng kasalukuyan. Ang pagtatakda sa
mga kautusan para sa bagong kapanahunan ay hindi nangangahulugan ng
pag-alis sa mga utos ng dating kapanahunan, ngunit higit pang
pagpapataas sa saligang ito, upang maging mas kumpleto ang mga pagkilos
ng tao, at higit na nakaayon sa realidad. Kung, ngayon, ay kailangan
ninyo lang na sumunod sa mga utos at manahan sa mga kautusan ng Lumang
Tipan, sa parehong paraan tulad ng mga Israelita, at kung, kahit,
kailangan ninyong maisaulo ang mga kautusan na ibinigay ni Jehovah,
walang posibilidad na maaaring magbago na kayo. Kung kayo ay susunod
lang sa yaong mga kakaunting utos o magsasaulo ng hindi mabilang na mga
kautusan, ang inyong lumang kalikasan ay mananatiling nakatanim nang
malalim, at walang magiging paraan upang ito ay bunutin. Kung gayon kayo
ay higit pang magiging masama, at walang sinuman sa inyo ang magiging
masunurin. Ibig sabihin na walang kakayahan ang ilang payak na mga utos o
hindi mabilang na mga kautusan upang kayo ay tulungang malaman ang mga
gawain ni Jehovah. Hindi kayo katulad ng mga Israelita: Sa pamamagitan
ng pagsunod sa mga kautusan at pagsasaulo ng mga utos, nasaksihan nila
ang mga gawain ni Jehovah, at inalay ang kanilang sa Kanya lamang,
ngunit hindi ninyo ito makakamit, at ang ilang utos sa kapanahunan ng
Lumang Tipan ay walang kakayahan upang kayo ay mahikayat na ibigay ang
inyong mga puso, o na protektahan kayo, ito rin ay gagawin kayong
pabaya, at kayo ay ibababa sa Hades. Sapagka’t ang Aking gawain ay ang
gawain ng panlulupig, at nakatutok sa inyong hindi pagsunod at lumang
kalikasan. Ang mga mabubuting salita ni Jehovah at ni Jesus ay malayo sa
mga matinding salita ng paghatol ngayon. Kung wala ang mga matitinding
salitang iyon, magiging imposible na malupig kayong mga “dalubhasa,” na
hindi sumusunod sa loob ng libu-libong taon, at ang paghatol ngayon ay
higit na mabigat kaysa sa mga lumang kautusan. Matagal na ang nakalipas
nang mawala ang kapangyarihan sa iyo ng mga kautusan ng Lumang Tipan, at
sobrang bigat ng paghatol ng kasalukuyan kaysa lumang kautusan. Ang
pinaka-angkop sa inyo ay ang paghatol, at hindi ang mababaw na
paghihigpit ng mga kautusan, dahil hindi kayo ang sangkatauhan katulad
noong pinaka-unang panahon, sa halip ay ang sangkatauhan na naging
tiwali sa loob ng libu-libong taon. Ang nararapat na makamit ng ngayon
ay ayon sa tunay na katayuan ng tao, ayon sa kakayahan at talagang tayog
ng tao sa kasalukuyan, at hindi kinakailangan na inyong sundin ang mga
doktrina. Ito ay upang mabago ang mo ang mga lumang kalikasan, at upang
maisantabi mo ang iyong mga pagkaintindi. Iniisip mo ba na ang mga utos
ay doktrina? Ang mga ito ay, maaaring sabihing, karaniwang mga
kinakailangan ng tao. Ang mga ito ay hindi doktrina na dapat mong
sundin. Gaya ng pagbabawal sa paninigarilyo, halimbawa—doktrina ba ang
gayon? Hindi ito doktrina! Ito ay kinakailangan ng normal na pagkatao;
ito ay hindi doktrina, kundi isang patakaran para sa buong sangkatauhan.
Sa kasalukuyan, ang sandosena o higit pang mga utos naitinakda ay hindi
rin doktrina, ngunit ang kinakailangan upang matamo ang normal na
pagkatao. Hindi taglay o alam ng mga tao ang ukol sa gayong mga bagay
noong nakaraan, at kaya kinailangan sa kanila na matamo ang mga ito
sakasalukuyan, na hindi ibinibilang bilang doktrina. Ang mga bataas ay
hindi kagaya ng doktrina. Ang doktrina na Aking sinasabi ay tumutukoy sa
mga seremonya, mga anyo o ang lihis at mga maling pagsasagawa ng tao;
ang mga patakaran at mga alituntunin ay hindi nakakatulong sa tao,
walang pakinabang sa kanya, at ito ay isang landasin ng pagkilos na
walang taglay na kabuluhan. Ito ang pinakalarawan ng doktrina, at ang
gayongdoktrina ay dapat itapon, sapagkat wala itong maibibigay na
pakinabang sa tao. Yaong mayroong pakinabang sa tao ang dapat isagawa.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento