Ipinangaral ng
Kapanahunan ng Biyaya ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kapag ang tao ay
naniwala, kung gayon siya ay maliligtas. Sa kasalukuyan, kahalili ng
kaligtasan ay mayroon lamang pag-uusap ukol sa paglupig at
pagka-perpekto. Hindi kailanman sinabi na kapag nananampalataya ang
isang tao, ang kanilang buong sambahayan ay pagpapalain, o ang
kaligtasan ay minsanan lamang. Sa kasalukuyan, walang sinuman ang
nagsasabi sa mga salitang ito, at ang gayong mga bagay ay lipas na. Sa
panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan.
Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad;
hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung
ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay
hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas,
at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala,
mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at
mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi
nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang
tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga
kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan
pa. Sa panahong iyon, Si Jesus ay gumawa ng maraming gawain na mahirap
maintindihan ng Kanyang mga disipulo, at nagsabi ng marami na hindi
naunawaan ng mga tao. Ito ay dahil, sa panahong iyon, hindi Siya
nagbigay ng paliwanag. Kaya, maraming mga taon pagkatapos Niyang umalis,
nilikha ni Mateo ang Kanyang talaangkanan, at gumawa din ang iba ng
maraming gawain na naayon sa kalooban ng tao. Hindi pumarito si Jesus
upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang
yugto ng gawain: paglalahad ng ebanghelyo ng kaharian ng langit at ang
pagtapos ng gawain ng pagpapapako sa krus—at kapag naipako na sa krus si
Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos na naisakatuparan. Ngunit sa
kasalukuyang yugto—ang gawain ng panlulupig—mas maraming salita ang
dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat
magkaroon ng mas maraming paraan. Kaya nararapat ding mabunyag ang mga
hiwaga ng gawain ni Jesus at Jehovah, nang sa gayon ay magkaroon ang
lahat ng mga tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala,
dahil ito ang mga gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang mga huling
araw ay ang konklusyon ng gawain na ito. Liliwanagin sa iyo ng yugto ng
gawain na ito ang kautusan ni Jehovah at ang pagtubos ni Jesus, at ito’y
pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ang anim na libong taong
plano sa pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan
at sangkap nitong anim na libong taong plano sa pamamahala, at maunawaan
ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang
Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa
Biblia. Lahat ng ito’y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan
ang mga ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo
at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan.
Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang
hindi tinatapos ang gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus
ay hindi ang gawaing konklusyon. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang mga
salitang Kanyang binitawan ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya
sa krus, ang Kanyang gawain ay nagwakas. Ang kasalukuyang yugto ay iba:
Tanging pagkatapos lang mabitawan ang mga salita hanggang sa katapusan
at magwakas ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kanyang
gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming mga salita ang nanatiling
hindi nahayag, o mga hindi nahayag nang buong linaw. Ngunit walang
pakialam si Jesus sa Kanyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang
Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos
Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una
sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng
yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan
ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng mga gawain sa isang
konklusyon. Kung hindi bibitawan ang mga salita hanggang sa
kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito,
dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay maihahatid sa
isang katapusan at tatapusin sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong
iyon, nagsagawa si Jesus ng mga maraming gawain na hindi nauunawaan ng
tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi
nakauunawa sa Kanyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa
ngunit sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, mga hindi alam
na maaaring mali sila. Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala
ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at ihahanda ang konklusyon
nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano sa pamamahala
ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang layunin, ang
kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina
Jehovah at Jesus, ang kanyang pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng
kanyang mga paglihis at mga kamalian ay maitatama. At mauunawaan ng tao
ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawain ng Diyos, at
ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito
ay katapusan. Ang gawain ni Jehovah ay ang paglikha sa mundo, ito ang
simula; ang yugto na ito ay ang katapusan ng gawain, at ito ang
konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao
sa Israel, at ito ang simula ng bagong panahon sa pinakabanal sa lahat
ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinagawa sa mga
pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid
ang kapanahunang ito sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng
Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling
yugto at isinagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang
ito ay mapapaalis, ibibigay ang kaliwanagan, at ang lahat ng tao ay
malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat
ng mga lugar ay nalupig, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong
isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang
nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang
gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ay
makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain
sa 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na
katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay
nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa
gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng
makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng
kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa
laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang
siyang mga pinaka-lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon,
siyang mga may masidhing pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao
ay masama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat
ng ginawang tiwaling sangkatauhan. Ito ay hindi upang sabihin na ang
ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang pagkaintindi ng tao
ay magkakapareho lahat, at bagamat ang mga tao sa mga bansang ito ay
mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos,
kung gayon maaaring kinakalaban nila Siya. Bakit sinasalungat at
kinakalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga
Fariseo? Bakit pinagtaksilan Siya ni Judas? Sa panahong iyon, marami sa
mga disipulo ang hindi nakakikilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako
sa krus si Jesus at muling bumangon, hindi pa rin naniwala sa Kanya ang
mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga
tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig sila
ay magiging isang modelo at ispesimen at magsisilbing sanggunian para sa
iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking
plano sa pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang
pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang
katiwalian, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik.
Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang uri, at sa kabila, ang kanilang
mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi,
kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa
at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar
na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa
kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na
mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga
susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain
na ito, at makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain
ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang
ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa
inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong
sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong
huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at
kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa
kanila ay kumakatawan ang pagiging suwail ng sangkatauhan—sila ay tunay
ngang mahalaga. Kaya’t sila ay itinuring na halimbawa ng panlulupig, at
sa oras na sila ay malupig sila ay natural na magiging mga huwaran at
uliran para sa iba. Wala nang mas higit pang makabuluhan kaysa sa unang
yugto sa isinasagawa sa Israel: Ang mga Israelita ang pinakabanal at
pinaka-hindi tiwali sa lahat ng mga tao, kaya’t ang bukang-liwayway ng
bagong panahon sa lugar na ito ay nagtaglay ng higit na kahalagahan.
Maaaring sabihin na ang mga ninuno ng sangkatauhan ay nagmula sa Israel,
at ang Israel ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos. Sa simula,
ang mga taong ito ang pinakabanal, at lahat sila ay sumamba kay Jehovah,
at nagbunga ng pinakamagandang resulta ang mga gawain ng Diyos sa
kanila. Nakatala sa kabuuan ng Biblia ang gawain ng dalawang
kapanahunan: Ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang
isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Nakatala sa Lumang Tipan ang
mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel;
nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea. Ngunit bakit ang
Biblia ay hindi naglalaman ng anumang mga pangalang Tsino? Sapagkat ang
unang dalawang bahagi ng gawain ng Diyos ay ipinatupad sa Israel,
sapagkat ang mga tao sa Israel ay ang mga pinili—iyon ay upang sabihin
na sila ang unang tumanggap sa gawain ni Jehova. Sila ang pinaka-hindi
tiwali sa lahat ng sangkatauhan, at sa simula, sila ay nasa pag-iisip na
mataas na pagtingin sa Diyos at gumagalang sa Kanya. Sinunod nila ang
mga salita ni Jehovah, at patuloy na nagsilbi sa templo, at nagdamit ng
mga kasuotang pang-pari at korona. Sila ang mga pinaka-unang tao na
sumamba sa Diyos, at ang mga pinaka-unang pakay sa Kanyang gawain. Ang
mga taong ito ay mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila
ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong
katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga
Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel
ang pinaka-unang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at maraming
mga tuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Kumilos ang
Diyos sa kanila upang mapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa
lahat ng dako sa lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang
kanilang katuwiran sa pagsamba nila kay Jehovah ay nakatala, upang sila
ay magsilbing mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa
Kapanahunan ng Biyaya; at ang kanilang mga kilos ay sumang-ayon sa ilang
libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.
Pagkatapos ng pagkakatatag ng mundo, ang unang yugto ng gawain ng
Diyos ay ipinatupad sa Israel, at kaya ang Israel ay ang bayang
sinilangan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ang himpilan ng gawain ng
Diyos sa lupa. Sinasakop ng saklaw ng gawain ni Jesus ang buong Judea.
Sa panahon ng Kanyang gawain, kakaunti sa kanilang mga nasa labas ng
Judea ang nakaaalam nito, sapagkat hindi Siya gumawa ng anumang gawain
lampas sa Judea. Sa kasalukuyan, ang gawain ng Diyos ay dinala sa Tsina,
at ito ay pinatutupad lamang sa loob ng saklaw na ito. Sa yugtong ito,
walang gawain ang inilunsad sa labas ng Tsina; ang paglaganap nito
lampas sa Tsina ay gawain na darating na mas huli. Ang yugtong ito ng
gawain ay sumunod mula sa yugto ng gawain ni Jesus. Ginawa ni Jesus ang
gawain ng pagtubos, at ang yugtong ito at ang gawain na sumunod; ang
pagtubos ay naganap na, at sa yugtong ito ay walang pangangailangan para
sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sapagkat ang yugtong
ito ng gawain ay hindi kagaya ng huling yugto, at, higit sa rito,
sapagkat ang Tsina ay hindi kagaya ng Israel. Ang yugto ng gawain na
ipinatupad ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Nakita ng tao si Jesus,
at hindi nagtagal pagkatapos, ang Kanyang gawain ay nagsimulang
lumaganap sa mga Gentil. Sa kasalukuyan, marami ang naniniwala sa Diyos
sa Amerika, sa UK at Rusya, kaya bakit mas kaunti sa Tsina? Sapagkat ang
Tsina ang pinakasaradong bansa. Bilang gayon, ang Tsina ang
pinakahuling tumanggap sa daan ng Diyos, at maging ngayon mas mababa sa
isandaang taon mula nang ginawa nito—mas huli kaysa sa Amerika at sa UK.
Ang huling yugto ng gawain ng Diyos ay ipinatutupad sa bayan ng Tsina
upang dalhin ang Kanyang gawain sa isang katapusan, at upang ang lahat
ng Kanyang gawain ay maisakatuparan. Tinatawag lahat ng mga tao sa
Israel si Jehova na kanilang Panginoon. Sa panahong iyon, Siya ay
itinuturing nilang puno ng kanilang sambahayan, at ang kabuuan ng Israel
ay naging isang dakilang sambahayan kung saan sinasamba ng bawat isa
ang kanilang Panginoong Jehova. Ang Espiritu ni Jehova ay madalas
magpakita sa kanila, at Siya ay nagsasalita at binibigkas ang Kanyang
tinig sa kanila, at gumamit ng isang haliging ulap at tunog upang
gabayan ang kanilang mga buhay. Sa panahong iyon, tuwirang inilaan ng
Espiritu ang Kanyang paggabay sa Israel, sinasalitaat binibigkas ang
Kanyang tinig sa mga tao, at nakita nila ang mga ulap at narinig ang mga
dagundong ng kulog, at sa ganitong paraan ginabayan Niya ang kanilang
mga buhay sa loob ng ilang libong taon. Kaya, ang mga tao lamang ng
Israel ang palaging sumasamba kay Jehova. Nananampalataya sila na si
Jehova ang kanilang Diyos, at hindi ang Diyos ng mga Gentil. Ito ay
hindi nakakagulat: Si Jehova, pagkatapos ng lahat, ay gumawa sa gitna
nila nang halos 4,000 taon. Sa bayan ng Tsina, pagkatapos matulog sa
loob ng libu-libong taon, ngayon lamang nalaman ng mga mababang-uri na
ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng mga bagay ay hindi likas na
nabuo, ngunit ginawa ng Manlilikha. Sapagkat ang ebanghelyong ito ay
nanggaling sa ibayong dagat, yaong mga piyudal, mayroong konserbatibong
mga pag-iisip ay naniniwala na lahat niyaong mga tumanggap sa
ebanghelyong ito ay nakagagawa ng kakila-kilabot na krimen, sila ang
masasama na nagtaksil kay Buddha—ang kanilang ninuno. Higit sa rito,
marami sa mga may pag-iisip na piyudal ang nagtatanong, paano nangyaring
ang mga taong Tsino ay naniniwala sa Diyos ng mga banyaga? Hindi ba
nila pinagtataksilan ang kanilang mga ninuno? Hindi ba sila gumagawa ng
masama? Sa kasalukuyan, matagal na panahon nang nakalimutan ng mga tao
na si Jehova ay ang kanilang[a] Diyos. Matagal na nilang
inilalagay sa likod ng kanilang mga pag-iisip ang Manlilikha, at sa
halip sila ay naniwala sa ebolusyon, na nangangahulugan na ang tao ay
unti-unting nabuo mula sa mga unggoy, at ang likas na mundo ay palaging
umiiral. Ang lahat ng mainam na pagkain na tinatamasa ng sangkatauhan ay
inilaan ng kalikasan, mayroong kaayusan sa buhay at kamatayan ng tao,
at walang umiiral na isang Diyos na namamahala sa ibabaw ng lahat ng
ito. Higit sa rito, maraming mga ateista ang nagsasabi na ang maniwala
sa dominyon ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng mga bagay ay pamahiin. Ngunit
mapapalitan ba ng agham ang gawain ng Diyos? Makapamamahala ba ang
agham sa ibabaw ng sangkatauhan? Ang pangangaral sa ebanghelyo sa gayong
bansa ay hindi magaan na gampanin, at kaakibat nito ang malaking mga
kahadlangan. Sa kasalukuyan, hindi ba marami ang sumasalungat sa Diyos
sa ganitong paraan?
Maraming mga tao ang pinanghahawakan ang gawain ng Diyos laban doon
sa kay Jehova, at nang sila ay nakakita ng pagkakasalungatan, ipinako
nila si Jesus sa krus. Ngunit bakit mayroong pagkakasalungatan sa
pagitan ng Kanilang gawain? Ito ay, sa bahagi, sapagkat gumawa si Jesus
ng bagong gawain, at dahil na rin bago sinimulan ni Jesus ang Kanyang
gawain, walang sinuman ang nagsulat sa Kanyang talaangkanan. Kung
mayroon sanang isa, kung gayon hindi na kailangang mag-alala, at sinong
magpapako pa kay Jesus sa krus? Kung sinulat ni Mateo ang talaangkanan
ni Jesus nang mas maaga ng ilang mga dekada, kung gayon hindi magtitiis
si Jesus ng gayong kalaking pag-uusig. Hindi ba gayon? Sa sandaling
mabasa ng mga tao ang talaangkanan ni Jesus—na Siya ang anak ni Abraham,
at pinanggalingan ni David—kung gayon ititigil na nila ang kanilang
pag-uusig sa Kanya. Hindi ba kahabag-habag na ang Kanyang talaangkanan
ay masyadong huli na nang isulat? At kawawa naman na dalawang yugto
lamang ng gawain ng Diyos ang naitala ng Biblia: isang yugto na ito ang
Kapanahunan ng Kautusan, at isa na ay ang gawain sa Kapanahunan ng
Biyaya; isang yugto ay ang gawain ni Jehova, at isa ay ang gawain ni
Jesus. Gaano pa kahusay ito magiging kung nahulaan ng isang dakilang
propeta ang gawain sa kasalukuyan. Magkakaroon ng dagdag nabahagi sa
Biblia na mayroong pamagat na “Ang Gawain sa mga Huling Araw”—hindi ba
magiging higit na mahusay ang gayon? Bakit dapat sumailalim ang tao sa
napakaraming kahirapan sa kasalukuyan? Nagkaroon kayo ng gayong kahirap
na panahon! Kung nararapat na kamuhian ang sinuman, ito ay sina Isaias
at Daniel dahil sa hindi paghula sa gawain sa mga huling araw, at kung
mayroon mang maaaring sisihin, ito ang mga apostol ng Bagong Tipan na
hindi itinala ang talaangkanan nang mas maaga ang ikalawang
pagkakatawang-tao ng Diyos. Yaon ay kahiya-hiya! Kailangan ninyong
maghanap sa lahat ng dako para sa katibayan, at kahit pagkatapos
makahanap ng ilang maliliit na piraso ng mga salita hindi pa rin ninyo
masasabi kung ang mga ito ay katibayan talaga. Kahiya-hiya! Bakit
masyadong malihim ang Diyos sa Kanyang gawain? Sa kasalukuyan, maraming
mga tao ang hindi pa nakakahanap ng kapani-paniwalang katibayan, ngunit
hindi rin nila magawang ikaila ito. Kaya ano ang dapat nilang gawin?
Hindi nila sinusunod ang Diyos nang may katatagan, ngunit hindi rin sila
makapagpatuloy sa gayong pag-aalinlangan. At kaya, maraming “mautak at
matalinong mga iskolar” ang yumayakap sa isang saloobing “subukan at
makita” kapag sila ay sumusunod sa Diyos. Ito ay malabis na kaguluhan!
Hindi ba magiging napakadali ng mga bagay kung nagawa nina Mateo,
Marcos, Lukas at Juan na hulaan ang hinaharap? Mas naging mainam kung
nakita ni Juan ang panloob na katotohanan ng buhay sa
kaharian—kahabag-habag na nakita lamang niya ang mga pangitain at hindi
nakita ang totoong, materyal na gawain sa lupa. Kahiya-hiya ang gayon!
Ano ang mali sa Diyos? Bakit, pagkatapos na ang Kanyang gawain ay naging
napakaaayos sa Israel, dumating Siya ngayon sa Tsina, at, bakit
kailangan Niyang maging tao, at personal na gumawa at mamuhay sa gitna
ng mga tao? Ang Diyos ay masyadong walang pakundangan sa tao! Hindi
lamang sa hindi Niya sinabi sa mga tao nang mas maaga, ngunit biglang
dinala ang pagkastigo at paghatol. Wala talaga itong saysay! Ang unang
pagkakataon na ang Diyos ay naging tao, nagdanas Siya ng maraming
paghihirap bilang resulta sa hindi pagsasabi sa tao nang mas maaga
tungkol sa lahat ng panloob na katotohanan. Tiyak na hindi Niya
malilimutan iyon? At bakit hindi pa rin Niya sinasabi sa tao sa
pagkakataong ito? Sa kasalukuyan, gaano kasawing-palad na mayroon lamang
animnapu’t anim na aklat sa Biblia. Kinakailangang may isa pa na
hinuhulaan ang gawain sa mga huling araw! Ano sa palagay ninyo? Maging
si Jehova, Isaias at David ay walang binanggit ukol sa gawain sa
kasalukuyan. Sila ay lalong inalis mula sa kasalukuyan, na mayroong
agwat sa panahon na mahigit 4,000 taon. Hindi rin ganap na hinulaan ni
Jesus ang gawain sa kasalukuyan, sa pagsasalita nang kaunti ukol rito,
at nakakahanap pa rin ang tao ng hindi sapat na katibayan. Kung
ihahambing mo ang gawain noong una sa kasalukuyan, paano magkakapareho
ang dalawa sa isa’t-isa? Ang yugto ng gawain ni Jehova ay nakatuon sa
Israel, kaya kung ihahambing mo iyon sa kasalukuyan magkakaroon ng higit
pang malaking pagkakaiba; hindi talaga maaaring paghambingin ang
dalawa. Ni hindi kayo sa Israel, o isang Judio; ang iyong kakayahan at
ang lahat ng tungkol sa iyo ay kulang—paano mo maihahambing ang iyong
sarili laban sa kanila? Posible ba ito? Alamin na ang kasalukuyan ay ang
Kapanahunan ng Kaharian, at ito ay naiiba mula sa Kapanahunan ng
Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Anu’t anuman, huwag subukan at
gumamit ng isang pormula; hindi masusumpungan ang Diyos sa anumang
gayong mga pormula.
Paano nabuhay si Jesus sa panahong 29 taon pagkatapos ng Kanyang
pagsilang? Walang naitalang anuman ang Biblia ukol sa Kanyang
kamusmusanat kabataan; alam mo ba kung ano ang nakakatulad ng mga ito?
Posible ba na wala Siyang kamusmusan at kabataan, at nang Siya ay
isilang Siya ay tatlumpong taong gulang na? Masyadong kaunti ang iyong
nalalaman, kaya huwag maging masyadong padalus-dalos sa pagsasabi ng
iyong mga pananaw. Hindi ito magdudulot ng mabuti sa iyo! Nakatala
lamang sa Biblia na bago ang ika-30 kaarawan ni Jesus, Siya ay
nabautismuhan at inakay ng Banal na Espiritu sa ilang upang sumailalim
sa pagtukso ng diablo. At itinatala ng Apat na mga Ebanghelyo ang
Kanyang tatlo at kalahating taong gawain. Walang tala ukol sa Kanyang
kamusmusan at kabataan, ngunit hindi pinatutunayan nito na hindi Siya
nagkaroon ng kamusmusan at kabataan; ito lang, sa pasimula, hindi Siya
gumawa ng anumang gawain, at isang karaniwang tao. Sa pagiging isang
karaniwang tao, kung gayon, possible bang nabuhay Siya sa loob ng 33
taon nang walang kabataan? Posible bang hindi Siya nagkaroon ng
kamusmusan? Posible bang bigla Niyang maabot ang gulang na 33.5 nang
hindi pinagdadaanan ang gulang na of 11 or 12, or 17 o 18? Ang lahat ng
iniisip ng tao tungkol sa Kanya ay di-pangkaraniwan. Hindi taglay ng tao
ang katotohanan! Walang anumang pag-aalinlangan na ang Diyos na
nagkatawang-tao ay nagtataglay ng karaniwan at normal na pagkatao,
ngunit kapag ipinatutupad Niya ang Kanyang gawain ito ay tuwirang sa
pamamagitan ng Kanyang pagka-Diyos at hindi ganap na pagkatao. Dahil
dito kaya ang mga tao ay mayroong mga pag-aalinlangan tungkol sa gawain
sa kasalukuyan, at maging tungkol sa gawain ni Jesus. Bagamat ang gawain
ng Diyos ay nagkakaiba sa dalawang beses na Siya ay naging tao, ang
Kanyang sangkap ay hindi. Mangyari pa, kung babasahin mo ang mga tala sa
Apat na Mga Ebanghelyo, malaki ang mga pagkakaiba. Paano ka makakabalik
sa buhay ni Jesus sa panahon ng Kanyang kamusmusan at kabataan? Paano
mo uunawain ang normal na pagkatao ni Jesus? Marahil mayroon kang
matibay na pagkaunawa ukol sa pagkatao ng Diyos sa kasalukuyan, subalit
wala kang taglay na pagkaunawa sa pagkatao ni Jesus, lalong hindi mo ito
naiintindihan. Kung hindi ito itinala ni Mateo, hindi ka magkakaroon ng
ideya ukol sa pagkatao ni Jesus. Marahil, kapag sinabi Ko sa iyo ang
mga kuwento ukol kay Jesus sa panahon ng Kanyang buhay, at sasabihin sa
iyo ang ukol sa panloob na mga katotohanan sa kamusmusan at kabataan ni
Jesus, iiiling mo ang iyong ulo: Hindi! Hindi Siya maaaring maging
ganoon. Hindi Siya maaaring magkaroon ng anumang kahinaan, lalong hindi
Niya tataglayin ang anumang pagkatao! Sisigaw ka pa at hihiyaw. Ito ay
dahil hindi mo nauunawaan si Jesus na taglay mo ang mga pagkaintindi
ukol sa Akin. Pinaniniwalaan mo si Jesus na masyadong banal, na walang
taglay na laman tungkol sa Kanya. Ngunit ang mga katotohanan ay
nananatili pa ring mga katotohanan . Walang sinuman ang mayroong
pagnanais na magsalita kasalungat ng katotohanan ng mga katunayan,
sapagkat kapag Ako ay nagsasalita ito ay may kaugnayan sa katotohanan;
ito ay hindi haka-haka, ni hindi ito hula. Alamin na makakaya ng Diyos
na tumaas hanggang sa kaitaas-taasan, at, higit sa rito, na
makakapagtago Siya sa kailaliman. Siya ay hindi malilirip ng iyong
karunungan, Siya ang Diyos ng lahat ng mga nilikha, at hindi isang
personal na Diyos na ipinaglihi ng isang partikular na tao. Hindi ba ito
tama?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a.Ang orihinal na teksto ay nababasang “inyong(maramihan).”
Ang pinagmulan:Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)
Rekomendasyon:
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik naPanginoong Jesus sa mga huling araw
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento