Kasunod ng pagsasakatuparan ng bagong pamamaraan,
magkakaroon ng mga bagong hakbang sa Aking gawain. Gaya ng sa kaharian,
gagawin Ko nang tuwiran ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng
pagkaDiyos, nangunguna sa bawa’t hakbang sa daan, eksakto hanggang sa
kaliit-liitang detalye, at walang-pasubaling walang anumang halong mga
pantaong-hangarin. Binabalangkas ng sumusunod ang mga paraan ng aktwal
na pagsasagawa: Sapagka’t sa pamamagitan ng paghihirap at pagpipino kaya
nakamit nila ang titulong “mga tao,” at bilang sila ang mga tao ng
Aking kaharian, dapat Ko silang papanagutin ng mahihigpit na mga
pangangailangan, na mas mataas kaysa mga pamamaraan ng Aking gawain para
sa sinusundang mga henerasyon. Hindi lamang ito ang realidad ng mga
salita, kundi higit pang mahalaga ito ang realidad ng pagsasagawa, at
ito muna ang dapat na makamit. Sa lahat ng mga salita at mga gawa, dapat
nilang matugunan ang mga pamantayang kinakailangan sa mga tao ng
kaharian, at sinumang mga manlalabag ay agad na maaalis, upang maiwasang
dumating ang kahihiyan sa Aking pangalan. Gayunpaman, yaong walang-alam
na hindi nakakakita nang malinaw, at hindi nakakaunawa ay eksepsiyon.
Sa pagtatayo ng Aking kaharian, bigyan ng pansin ang pagkain at pag-inom
ng mga salitang Aking binibigkas, unawain ang Aking karunungan, at
suportahan sa pamamagitan ng Aking gawain. Sinumang nagpapahalaga sa mga
salita ng isang aklat na hindi sa Akin ay walang-pasubaling hindi Ko
ninanais; ito ay isang patutot na palaban sa Akin. Bilang isang apostol,
ang isa ay hindi dapat na tumigil sa tahanan nang napakatagal. Kung
hindi ito magagawa, Aking iwawaksi at hindi na siya gagamitin. Hindi Ko
siya pinipilit. Yamang ang mga apostol ay hindi tumitigil sa tahanan
nang matagal, ito ay sa pamamagitan ng paggugol ng mahahabang mga
panahon sa iglesia na sila ay napapagtibay. Sa bawa’t dalawang
kapulungan ng mga iglesia, ang mga apostol ay dapat na makibahagi nang
minsan sa pinakamadalang. Kaya, ang pagtitipon ng mga kamanggagawa ay
dapat na maging palagian (ang pagtitipon ng mga kamanggagawa ay
kinabibilangan ng: mga pagtitipon ng lahat ng mga apostol, mga
pagtitipon ng lahat ng mga manggagawa ng iglesia, at lahat ng mga
pagtitipon para sa mga banal na may malinaw na pananaw). Sa
pinakamadalang ang ilan sa inyo ay dapat na dumalo sa bawa’t pagtitipon,
at ang mga apostol ay magbigay-pansin lamang sa pagbabantay sa mga
iglesia. Ang mga kinakailangan na dati-rating hiningi sa mga banal ay
naging mas malalim. Para sa mga yaon na nakagawa ng mga paglabag bago
Ako sumaksi sa Aking pangalan, sanhi sa kanilang pag-aalay sa Akin,
gagamitin Ko pa rin sila sa sandaling nasubukan Ko sila. Gayunpaman,
para sa mga yaon na muling gumawa ng paglabag pagkatapos ng Aking
patotoo at desididong magpanibagong simula, ang ganoong mga tao ay
mananatili lamang sa loob ng iglesia. Hindi pa rin sila dapat maging
pabáyâ at walang-pakialam, kundi sa halip dapat maging higit na
napipigilan kaysa mga iba. Para naman sa mga yaon na hindi inaayos ang
kanilang mga asal matapos ang Aking pagbigkas, agad silang tatalikdan ng
Aking Espiritu, at ang iglesia ay magkakaroon ng karapatan na
isakatuparan ang Aking paghatol, at paaalisin sila sa iglesia. Ito ay
walang-pasubali, at hindi na magkakaroon ng dagdag na puwang para sa
pagsasaalang-alang. Kung ang isa ay himatayin sa paglilitis, iyan ay,
umaalis siya, walang sinumang dapat pumansin sa taong iyon, upang
maiwasang subukan Ako at hinahayaan si Satanas na pumasok sa iglesia sa
kabaliwan. Ito ang Aking paghatol sa kanya. Sinuman ang gumagawa ng
di-pagkamatuwid at kumikilos batay sa kanilang mga pandama ay hindi rin
ibibilang sa Aking mga tao, hindi lamang ang isa na tumalikod. Isa pang
tungkulin ng mga apostol ay tumuon sa pagpapalaganap ng mabuting balita.
Sabihin pa, maaari ding gawin ng mga banal ang gawaing ito, nguni’t
dapat silang maging marunong sa paggawa nito, at dapat na umiwas sa
pagsisimula ng gulo. Ang nasa itaas ang kasalukuyang mga daan ng
pagsasagawa. Bilang isa ring paalala, dapat kayong magbigay-pansin sa
paggagawa ng inyong mga pangangaral na mas malalim, upang ang lahat ay
makapasok sa realidad ng Aking mga salita. Dapat ninyong matamang sundin
ang Aking mga salita, at gawin ito upang ang lahat ng mga tao ay
maunawaan ang mga iyon nang malinaw, at hindi alanganin. Ito ang
pinakamahalaga. Yaong mga nasa gitna ng Aking mga tao na nagkakandili ng
mga kaisipan ng pagkakanulo ay dapat na mapaalis, at hindi dapat
pahintulutang manatili nang matagal sa Aking bahay, kung hindi ay
magdadala sila ng panlalait sa Aking pangalan.
Ika-21 ng Pebrero, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ikalawang Pagbigkas
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento