Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian
1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.
2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.
3. Ang pera, materyal na mga bagay, at ang lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ay ang mga handog na dapat na ibinibigay ng tao. Ang mga handog na ito ay maaaring ikalugod ng walang iba kundi ng pari at ng Diyos, dahil ang mga handog ng tao ay para sa ikalulugod ng Diyos, ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa pari, at walang sinuman ang kwalipikado o may karapatan na tamasahin ang anumang bahagi ng mga iyon. Ang lahat ng mga handog ng tao (kabilang ang pera at mga bagay na pwedeng tamasahin na materyal) ay ibinigay sa Diyos, hindi sa tao. At kaya, ang mga bagay na ito ay hindi dapat tamasahin ng tao; kung tatamasahin ito ng mga tao, sa gayon ninanakaw niya ang mga handog. Ang sinumang gumagawa nito ay isang Judas, para sa, bilang karagdagan sa pagiging taksil, kinukuha rin ni Judas ang anumang inilalagay sa supot ng pera.
4. Ang tao ay mayroong tiwaling disposisyon at, higit pa rito, siya ay nagtataglay ng mga emosyon. Dahil dito, lubos na ipinagbabawal sa dalawang kasapi na magkaibang kasarian na magtrabaho nang magkasama habang naglilingkod sa Diyos. Sinuman na matutuklasan na ginagawa ito ay patatalsikin, nang walang pagbubukod—at walang sinuman ang palilibrihin.
5. Huwag kayong magbibigay ng paghatol sa Diyos, o huwag kaswal na magtalakay ng mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Dapat ninyong gawin ang nararapat bilang isang tao, at sabihin ang nararapat na sabihin ng tao, at huwag dapat lalampas sa inyong mga limitasyon ni labagin ang inyong mga hangganan. Ingatan mo ang inyong mga pananalita at mag-ingat sa inyong sariling mga yapak. Ang lahat ng ito ay pipigil sa inyo mula sa paggawa ng anumang bagay na makakasakit sa damdamin ng disposisyon ng Diyos.
6. Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng tao, at isagawa ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga pananagutan, at tuparin ang inyong tungkulin. Dahil naniniwala kayo sa Diyos, dapat kayong mag-alay ng inyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi ninyo magawa, sa gayon kayo ay hindi karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi karapat-dapat na manirahan sa bahay ng Diyos.
7. Sa gawain at mga bagay sa simbahan, bukod sa pagsunod sa Diyos, sa lahat ng bagay dapat ninyong sundin ang mga tagubilin ng tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kahit na ang pinakamaliit na pagsuway ay hindi katanggap-tanggap. Dapat kayong maging ganap sa inyong pagsunod, at hindi dapat suriin ang tama o mali; kung ano ang tama o mali ay walang kinalaman sa inyo. Dapat lamang ninyong iukol ang inyong sarili sa ganap na pagsunod.
8. Ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi ninyo dapat dakilain o tingalain ang sinumang tao; hindi ninyo dapat isauna ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ikatlo ang inyong sarili. Walang sinuman ang dapat lumuklok sa inyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang inyong mga iginagalang—upang maging pantay sa Diyos, upang maging Kanyang kapantay. Ito ay hindi-matitiis ng Diyos.
9. Ang inyong mga saloobin ay nararapat na mga gawain ng simbahan. Dapat ninyong isaisantabi ang mga pagnanais ng inyong sariling laman, hindi nag-aalinlangan tungkol sa mga usaping pampamilya, buong-puso na ialay ang inyong sarili sa gawain ng Diyos, at unahin ang gawain ng Diyos at pangalawa ang iyong sariling buhay. Ito ang kagandahang-asal ng isang santo.
10. Ang mga kamag-anak na hindi kabilang sa pananampalataya (ang iyong mga anak, ang iyong asawang lalaki o asawang babae, ang iyong mga kapatid na babae o ang iyong mga magulang, at iba pa) ay hindi dapat pilitin sa simbahan. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang paramihin ang bilang nito ng mga taong hindi mapapakinabangan. Lahat ng mga taong hindi masayang naniniwala ay hindi dapat akayin tungo sa simbahan. Ang kautusang ito ay nakadirekta sa lahat ng mga tao. Sa bagay na ito dapat ninyong siyasatin, subaybayan at paalalahanan ang bawat isa, at walang sinuman ang maaaring lumabag nito. Kahit na tumutuloy sa simbahan ang mga kamag-anak na walang pananampalataya, hindi sila dapat bigyan ng libro o bigyan ng isang bagong pangalan; ang mga nasabing tao ay hindi kabahagi ng sambahayan ng Diyos, at ang kanilang pagpasok sa simbahan ay dapat na ipatigil sa anumang paraan na kinakailangan. Kung ang suliranin ay dinala sa simbahan dahil sa paglusob ng mga demonyo, sa gayon kayo mismo ay patatalsikin o magkakaroon ng mga pagbabawal na ipapataw sa inyo. Sa madaling salita, ang lahat ay may pananagutan sa bagay na ito, ngunit hindi ka rin dapat maging walang-ingat, o gamitin ito upang personal na makabawi.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ?
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento