Sagot:Magmula nang nag-umpisa tayong naniwala sa Panginoong Jesus, nagsimula tayong magdasal at magpagaling ng karamdaman at magpalayas ng mga demonyo sa Kanyang pangalan. Gayundin, dahil sa Kanyang pangalan, nakamit natin ang kapayapaan at mga pagpapala, at saka dahil sa kanyang pangalan nakamit natin ang hindi mabilang na mga biyaya. Iyan ang dahilan kung bakit ang pangalan ng Panginoong Jesus ay nakamarka nang malalim sa ating mga puso at tunay din nating pinakaingat-ingatan nang todo ang Kanyang pangalan, tulad kung paano iningatan ng mga tao ng Israel ang pangalan ng Jehovah. Kung kaya, kapag narinig ng ilan sa mga kapatid na ang Panginoon ay nagbalik na sa pagiging tao bilang Makapangyarihang Diyos, hindi nila ito natatanggap, nagsasabing: “Sinasabi nito sa Mga Gawa 4:12: ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.’ Isinasaad sa Hebreo 13:8: ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.’ Samakatuwid, kapag ang Panginoon ay nagbalik dapat Jesus pa rin ang Kanyang magiging pangalan. Paano Siya matatawag na Makapangyarihang Diyos?” Mga kapatid, ano sa inyong palagay ang tanong na ito? Maaari lamang bang tawaging Jesus ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik?
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Hunyo 12, 2019
Nakasulat iyon diyan mismo sa Biblia: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Heb 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hinding-hindi nagbabago! Pero sinasabi mo kapag muling pumarito ang Panginoon sa mga huling araw magtataglay Siya ng bagong pangalan at tatawaging Makapangyarihang Diyos. Paano mo ito ipaliliwanag?
Martes, Marso 12, 2019
Tagalog Christian Music| Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos
Tagalog Christian Music | Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos
I
Libu-libong taon ang lumipas,
natatamasa pa rin ng tao ang liwanag
at ang hanging kaloob ng Diyos.
Hinihinga pa rin ng mga tao
ang hiningang inihinga ng Diyos Mismo.
Tinatamasa pa rin ng tao ang mga bagay na likha ng Diyos,
ang mga isda, ibon, bulaklak at insekto.
Tinatamasa ng mga tao ang lahat ng bagay,
lahat ng bagay na inilaan ng Diyos.
Araw at gabi'y patuloy sa pagpapalitan ang bawat isa.
Tulad ng dati, ang apat na panahon, ay halinhinan.
Lumilipad sa langit, umaalis ang gansa sa taglamig
at nagbabalik sa tagsibol.
Lumalangoy sa tubig, ang isda kailanma'y
'di umaalis sa mga ilog at lawa, na tahanan nila.
Huwebes, Enero 24, 2019
Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao
Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan.Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)