Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Miyerkules, Hunyo 12, 2019

Nakasulat iyon diyan mismo sa Biblia: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Heb 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hinding-hindi nagbabago! Pero sinasabi mo kapag muling pumarito ang Panginoon sa mga huling araw magtataglay Siya ng bagong pangalan at tatawaging Makapangyarihang Diyos. Paano mo ito ipaliliwanag?



Sagot:Magmula nang nag-umpisa tayong naniwala sa Panginoong Jesus, nagsimula tayong magdasal at magpagaling ng karamdaman at magpalayas ng mga demonyo sa Kanyang pangalan. Gayundin, dahil sa Kanyang pangalan, nakamit natin ang kapayapaan at mga pagpapala, at saka dahil sa kanyang pangalan nakamit natin ang hindi mabilang na mga biyaya. Iyan ang dahilan kung bakit ang pangalan ng Panginoong Jesus ay nakamarka nang malalim sa ating mga puso at tunay din nating pinakaingat-ingatan nang todo ang Kanyang pangalan, tulad kung paano iningatan ng mga tao ng Israel ang pangalan ng Jehovah. Kung kaya, kapag narinig ng ilan sa mga kapatid na ang Panginoon ay nagbalik na sa pagiging tao bilang Makapangyarihang Diyos, hindi nila ito natatanggap, nagsasabing: “Sinasabi nito sa Mga Gawa 4:12: ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.’ Isinasaad sa Hebreo 13:8: ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.’ Samakatuwid, kapag ang Panginoon ay nagbalik dapat Jesus pa rin ang Kanyang magiging pangalan. Paano Siya matatawag na Makapangyarihang Diyos?” Mga kapatid, ano sa inyong palagay ang tanong na ito? Maaari lamang bang tawaging Jesus ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik?

Tignan muna natin ang dalawang talata ng kasulatan. Isinasaad sa Exodus 3:15: “Jehova … ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.” Isinasaad sa Mga Gawa 4:12: “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” Mga kapatid, naiintindihan natin mula dito sa dalawang talata ng kasulatang na ang pangalan ng Diyos ay Jehovah sa Kapanahunan ng Kautusan at ang pangalan ng Diyos ay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Sinabi ng Diyos na Jehova ang Kanyang pangalan magpakailanman, kung gayon papaano naging Jesus ang Kanyang pangalan sa Kapanahunan ng Biyaya? Mga kapatid, bakit ganyan ang sitwasyon? Kung ang pangalan ni Jehovah ay maaaring palitan ng Jesus, bakit hindi maaaring muling palitan ang pangalan ni Jesus? Kung sinasabi natin na ang pangalan ng Panginoon ay hindi maaaring palitan at kailangan pa rin Siyang tawaging Jesus sa kanyang pagbabalik, kung gayon bakit isinasaad sa Pahayag 3:12 “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan”? Paano mo ipapaliwanag ang “bagong pangalan” dito? Mga kapatid, ang Pahayag ay malinaw na nagpropesiya na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos sa mga huling araw. Kung gayon maaari bang Jesus pa rin ang pangalang ito? Alam nating lahat na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay tinawag ng Kanyang mga mananampalataya sa loob ng dalawang libong taon. Kung Jesus pa rin ang bagong pangalan kapag ang propesiya ng Pahayag ay tinupad sa mga panahong ito, papaano nasabing bagong pangalan ito? Hindi ba ito lumang pangalan? Kung gayon maaari bang ang nagbalik na Panginoon ay maaari pa ring matawag na Jesus? Samakatuwid, hindi tayo maaaring magkaroon ng konklusyon na ang pangalan ng Diyos ay matatawag na Jesus magpakailanman, dahil may bagong pangalang napropesiya sa Pahayag at iyon ay kinakailangang matupad.

Kung gayon bakit kailangang magbago ang pangalan ng Diyos? Ito ay tanong na hindi maipaliwanag nang malinaw ng maraming ekspositor ng Biblia, mangangaral at relihiyosong teologo. Ngunit ang mga misteryo ng isyung ito ay nabunyag na sa pamamagitan ng mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sinasabi ng iba na ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago, kaya't bakit ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nahulaan na ang pagdating ng Mesias, kaya bakit dumating ang isang tao na may pangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba ang gayong gawain ay naipatupad na noong unang panahon? Hindi ba maaaring gumawa ang Diyos ngayon ng bagong gawain? Ang gawain ng kahapon ay maaaring mabago, at ang gawain ni Jesus ay maaaring sumunod mula doon kay Jehova. Hindi ba maaari na ang gawain ni Jesus ay masundan ng iba pang gawain? Kung ang pangalan ni Jehovah ay maaaring palitan ng Jesus, sa gayon hindi ba maaaring ang pangalan ni Jesus ay palitan din? Ito ay hindi karaniwan, at iniisip nga ng [a] dahil lamang sa kanilang kawalang muwang. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Hindi alintana ang mga pagbabago sa Kanyang gawain at Kanyang pangalan, ang Kanyang disposisyon at karunungan ay mananatiling di-nagbabago magpakailanman. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay maaari lamang tawagin sa pangalan ni Jesus, sa gayon kakaunti lamang ang iyong nalalaman” (“Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehovah at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalang sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehovah, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi kayang ganap na mailarawan ang disposisyon ng Diyos, sa dahilang ang disposisyon ng Diyos ay napakayaman na lumalampas lamang ito sa kapasidad ng tao na makilala Siya. Walang paraan para sa tao, gamit ang wika ng sangkatauhan, na lubusang ilarawan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay may limitadong bokabularyo lamang na tumataglay sa lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, ginagalang, nakakamangha, hindi maarok, kataas-taasan, banal, matuwid, matalino, at iba pa. Masyadong maraming salita! Ang limitadong bokabularyong ito ay walang kakayahang ilarawan ang kaunting nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, maraming iba pa ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na maaaring maglarawan sa sigla ng kanilang mga puso: Ang Diyos ay lubhang dakila! Ang Diyos ay lubhang banal! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig! Ngayon, ang mga kasabihan ng tao gaya ng mga ito ay naabot na ang kanilang sukdulan, gayon pa man ang tao ay wala pa ring kakayahang ipahayag ang kanyang sarili nang malinaw. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay may maraming pangalan, gayunman wala Siyang iisang pangalan, at ito ay dahil lubhang masagana ang pagiging Diyos ng Diyos, at lubhang kulang ang wika ng tao. Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kapasidad na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ang Kanyang pangalan ay maaaring maging pirmihan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal gayunman hindi mo Siya papayagang magbago ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Kung gayon, sa bawat kapanahunan kung saan ang Diyos ay personal na ginagawa ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng pangalan na bumabagay sa kapanahunan upang mataglay ang gawain na Kanyang binabalak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng makalupang kabuluhan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyan. Ito ang Diyos na gumagamit ng wika ng sangkatauhan upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Kahit na pagkatapos, ang maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at nakita nang personal ang Diyos gayunman ay may palagay na ang isang partikular na pangalang ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—ah, imposible itong maiwasan! Kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at tinatawag lang Siya na “Diyos.” Parang ang puso ng tao ay puno ng pag-ibig ngunit napapaligiran din ng mga pagsalungat, sa dahilang hindi nalalaman ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay lubhang sagana, walang paraan kung paano ito mailalarawan. Walang iisang pangalan ang maaaring magbuod sa disposisyon ng Diyos, at walang iisang pangalan ang maaaring maglarawan sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. … Kinuha lamang Niya ang isa, o dalawa, o maraming pangalan dahil may gawain Siyang dapat magawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anong pangalan ang itinatawag sa Kanya—hindi ba malayang pinili Niya ito Mismo? Kakailanganin ka ba Niya—isa sa Kanyang mga nilalang—na magpasya nito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay pangalang umaayon sa kung ano ang nakakayang maunawaan ng tao, sa wika ng sangkatauhan, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na maaaring masaklaw ng tao. Maaari mo lang sabihin na may Diyos sa langit, na tinatawag Siyang Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na lubhang matalino, lubhang mataas, lubhang kahanga-hanga, lubhang mahiwaga, at lubhang makapangyarihan, at pagkatapos ay wala ka nang maaaring sabihin pa; ganito kaunti ang maaari mo lamang malaman. Kaya nga, ang pangalan lamang ba ni Jesus ang maaaring kumatawan sa Diyos Mismo? Kapag dumating na ang mga huling araw, kahit na ang Diyos pa rin ang nagsasagawa ng mga gawain, kailangang magbago ang Kanyang pangalan, dahil ito ay panibagong panahon na” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na malinaw, tinutulungan tayong maintindihan na orihinal na walang pangalan ang Diyos. Gumawa lang ng pangalan ang Diyos dahil kailangan Niyang gumawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, ngunit isang kapanahunan lang ang kinakatawan ng isang pangalan, isang yugto ng gawain, isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Walang isang pangalan na maaaring lubos na kumatawan sa lahat ng mayroon at ano Diyos. Samakatuwid, sa bawat oras na ang kapanahunan o Kanyang gawain ay nagbabago, babaguhin ng Diyos ang Kanyang pangalan. Ito ay prinsipyo ng gawain ng Diyos. Gayon pa man, kahit gaano pa nagbabago ang kapanahunan at gaano pa nagbabago ang pangalan ng Diyos, ang diwa ng Diyos ay hindi magbabago kailanman.

Para mas maintindihan ng lahat ang relasyon sa pagitan ng pangalan ng Diyos at Kanyang gawain at ang mahahalagang kapanahunan, imbestigahan natin ngayon ang mga pinagmulan ng pangalan ni Jehovah. Tulad ng naitala sa Exodus 3:15: “At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.” Mga kapatid, hayaan ninyong tanungin ko kayong lahat: Kailan umiral ang pangalan ni Jehova? Umiral ba ito noong paglikha, o noong pinamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto? Alam na alam natin mula sa mga tala ng Biblia na wala dating pangalan ang Diyos, at noon lamang pinamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas sa Ehipto nang ginamit ng Diyos ang pangalang Jehova. Mga kapatid, bakit ginamit ng Diyos ang pangalang Jehovah noong pinamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto? Dahil mula sa oras na iyon, opisyal na inuumpisahan ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa ilalim ng pangalang Jehovah at ginagabayan ang tao na mamuhay sa mundo. Ang ibig sabihin ng pangalang Jehovah ay Diyos na maaaring mahabag sa mga tao, maaaring isumpa ang mga tao, at maaari ring magpatupad ng mga kautusan para pamunuan ang mga buhay ng mga tao, at isa ring Diyos na napakamakapangyarihan at puno ng karunungan. Ginamit ng Diyos ang pangalang Jehovah batay sa Kanyang gawain sa pagpapatupad ng mga kautusan at ang disposisyong Kanyang ipinahayag. Mula noon, lahat ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan ay inirespeto ang pangalang Jehovah bilang banal na pangalan. Sinamba nila ang Diyos na Jehovah, nagdasal sa Diyos na Jehovah, pinuri ang Diyos na Jehovah, at nag-alay ng mga sakripisyo sa Diyos na Jehovah sa ibabaw ng altar. Aktuwal na naranasan din ng mga Israelita ang gawain ng Diyos na Jehovah, nakita ang Kanyang galit, at nakatikim ng maawain sa taong, kasumpa-sumpa sa taong disposisyon na agad na ipinahayag ng Diyos hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Samakatuwid, ang pangalang Jehovah ay partikular na pangalan sa Kapanahunan ng Kautusan. Nang natapos ang Kapanahunan ng Kautusan, kasama nitong natapos ang pangalang Jehovah.

Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa mga pinagmulan ng pangalan ni Jehovah, naintindihan natin na ang Diyos ay gumamit lamang ng pangalan upang gampanan ang gawaing pagliligtas sa sangkatauhan. Ang bawat pangalang ginagamit ng Diyos sa bawat kapanahunan ay napakamakabuluhan at kumakatawan sa gawaing Kanyang ginampanan sa kapanahunang iyon at ang disposisyong ipinapahayag Niya sa kapanahunang iyon. Upang matulungan tayong mas maintidihan ang relasyon ng pangalan ng Diyos at Kanyang gawain at ang kapanahunan, sunod nating titignan ang mga pinagmulan ng pangalang Jesus. Matapos na ginabayan ng Diyos ang mga buhay ng mga Israelita sa loob ng dalawang libong taon sa ilalim ng pangalang Jehovah, inumpisahan ng Diyos ang bagong yugto ng gawain batay sa Kanyang plano sa pamamahala at ang mga pangangailangan ng sangkatauhan, at inumpisahan ang Kapanahunan ng Biyaya sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Bakit tinapos ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan? Dahil kung ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy, ang anim na libong taon na plano sa pamamahala ng Diyos ay nasa Kapanahunan ng Kautusan lamang, at ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay mas dadami lamang at mas magiging malala. Sa huli, nawala na sana ang sangkatauhan sa ilalim ng mga kaparusahan sa paglabag ng mga kautusan, at mawawalan ng kabuluhan ang nilikhang sangkatauhan ng Diyos. Samakatuwid, upang mailigtas ang sangkatauhan, personal na nagkatawang tao ang Diyos at dumating sa tao, binubuksan ang Kapanahunan ng Biyaya sa pangalan ni Jesus, gumagawa ng gawain sa pagliligtas, nagdadala sa sangkatauhan ng mayaman at saganang biyaya, nagpapahayag ng maawain at mapagmahal na disposisyon, at tinutubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Ang ibig sabihin ng pangalang Jesus ay: puno ng pag-ibig, puno ng awa at isang kasalanang handog na maaaring tumubos sa sangkatauhan. Ang pangalang Jesus ay partikular sa Kapanahunan ng Biyaya. Kumakatawan ito sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya gayun din ang disposisyon na ipinahayag ng Diyos noong Kapanahunan ng Biyaya. Mula noon, halos lahat ng gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Jesus ay nagsimula na. Sa parehong panahon, halos lahat ng gawain sa ilalim ng pangalan ni Jehovah ay kasama nitong natapos, iyon ay, ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay natapos na. Ang pangalan ni Jesus ay partikular sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang natapos ang Kapanahunan ng Biyaya, kasama rin nitong natapos ang pangalan ni Jesus. Makikita natin mula dito sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos na ang pangalang ginagamit ng Diyos sa bawat kapanahunan ay mayroong huwarang kahulugan. Ang pangalan ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang gawain at sa disposisyong Kanyang ipinapahayag noong kapanahunang iyon, at binubuksan Niya ang bagong kapanahunan at binabago ang kapanahunan sa pamamagitan ng Kanyang pangalan. Iyon ay nangangahulugan, sa bawat oras na nagbabago ang kapanahunan at kapag ang Kanyang gawain ay nagbabago, babaguhin ng Diyos ang Kanyang pangalan. Gayun pa man, kahit gaano pa magbago ang kapanahunan at kahit gaano pa magbago ang pangalan ng Diyos, ang diwa ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Sa madaling salita, kahit pa ang pangalan ng Diyos ay Jehovah o Jesus, ang diwa ng Diyos ay mananatiling hindi nagbabago. Upang matulungan ang lahat na mas maintindihan ang ganitong aspeto ng katotohanan, hayaan mo akong magbigay ng isang halimbawa na maaaring hindi masyadong nababagay. Ipagpalagay nating mayroong Ginoong Wang na dating propesor ng isang unibersidad. Ang lahat ng kanyang mga estudyante ay tinawag siyang Propesor Wang. Kinalaunan, siya ay iniligay sa Departamento ng Edukasyon bilang direktor, at ang mga tao ay nagsimulang tawagin siyang Direktor Wang. Kung isang araw siya ay itinalagang Ministro ng Edukasyon, tatawagin siya ng mga taong Ministro Wang. Gayun pa man, kahit gaano pa nagbabago ang trabaho ni Ginoong Wang at kahit ano pa ang itinatawag sa kanya ng mga tao, hindi magbabago bilang isang tao si Ginoong Wang. Sa gayon ding paraan, kahit gaano pa nagbabago ang pangalan ng Diyos at kahit gaano pa nagbabago ang gawain ng Diyos, ang diwa ng Diyos ay hindi kailanman magbabago at Siya ay mananatiling Mismong Diyos. Ngunit ang nakakalungkot ay hindi alam ng mga Israelita na ang pangalan ng Diyos ay umiral sa oras na iyon dahil sa Kanyang gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan, at magbabago sa paglipas ng kapanahunan at ang Kanyang gawain ay nagbago. Sa kanilang mga isip, ang Diyos na Jehovah lamang ang kanilang Diyos at kanilang Tagapagligtas, dahil ang Diyos na Jehovah ay minsang pinamunuan ang kanilang mga ninuno palabas ng Ehipto, tinawid ang Pulang Dagat, nagkaloob sa kanila ng mana sa disyerto, nagbigay sa kanila ng buhay na tubig mula sa bato, at sa huli ay nagdala sa kanila sa Canaan para mamuhay sa lupain ng gatas at pulot. … Hindi lang nila nakita ang napakatinding kapangyarihan at karunungan ng Diyos na Jehovah, tinamasa rin nila ang pagpapala at pag-aalaga ng Diyos na Jehovah, at higit pa riyan natikman nila ang pagkamuhi at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos. Kung kaya sila ay puno ng pagmamahal at paggalang sa Diyos na Jehovah. Kaya, sa bawat henerasyon, pinanghawakan nila ang mga salitang: “Si Jehovah lamang ang Diyos; bukod kay Jehovah walang Tagapagligtas.” Gayun pa man, nang ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay dumating para sila’y iligtas, itinanggi at pinatay ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus dahil hindi nila nakilala na ang Panginoong Jesus ang kanilang pinakahihintay na Mesias—ang kanilang Tagapagligtas. Mga kapatid, sa puntong ito ng pagbabahagi, nais ko kayong tanungin lahat: Bakit itinanggi ng mga Fariseo nang panahong iyon ang Panginoong Jesus? Ito’y sa katotohanang dahil hindi nila nakilala na ang diwa ng Panginoong Jesus ay ang Mismong Diyos, at dahil hindi nila nakilala ang bagong gawain ng Diyos at relasyon sa pagitan ng pangalan ng Diyos at Kanyang gawain. At saka, hindi nila alam ang kahulugan ng Diyos sa pagpapalit ng Kanyang pangalan. Samakatuwid, tinanggihan nila ang Panginoong Jesus, kinondena ang Panginoong Jesus, at ipinako pa ang maawaing Panginoong Jesus sa Krus hanggang kamatayan, gumagawa ng isang malaking kasalanan. Ang mga Hudyo at ang kanilang kaapo-apuhan ay nagbayad ng matinding kabayaran para dito—ang hapdi ng pagkaalipin. Sa nakaraang dalawang libong taon, sila ay nagpaikot-ikot sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo, at hanggang ngayon marami pa ring napapadpad sa mga banyagang lupain. Mga kapatid, hindi ba’t ang kanilang kabiguan ay karapat-dapat sa ating malalim na pagninilay-nilay? Hindi ba’t ang kanilang kabiguan ay karapat-dapat na tanggapin bilang isang seryosong babala? Uulitin ba natin ang kanilang mga pagkakamali at iisipin pa rin na sa pagbabalik ng Panginoon Siya ay kailangan pa ring tawaging Jesus?

Ngayon, ang Diyos ay gumawa ng mas bago at matayog na gawain sa pundasyon ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang gawain ng pagkastigo at paghatol kasama ang Kanyang salita sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa pamamagitan ng Kanyang salita, ang Diyos ay kumakastigo at humahatol sa mga tao at ibinubunyag ang Kanyang matuwid, makahari at makamuhing disposisyon, upang tapusin itong tiwaling lumang kapanahunang, ibalik ang orihinal na kabanalan ang tao, at pasiglahin ang lahat ng mga bagay. Ang Diyos ay dadakilain sa buong sansinuklob, gamit ang Kanyang napakatinding kapangyarihan upang tapusin ang Kanyang buong anim na libong tao na planong pamamahala at ganap na talunin si Satanas. Ang Diyos ay mamumuno sa lahat ng mga lupain: “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Kaya ang huling kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kaharian. Dahil sa pagbabago ng kapanahunan, ang pangalan ng Diyos ay kailangan ding magbago. Hindi na Siya tinawag na Jesus kundi ang Makapangyarihang Diyos. Tatapusin Niya ang buong anim na libong taon ng plano ng pamamahala sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Tinutupad nito mismo ang propesiya sa Pahayag 15:3: “At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.” Tinutupad din nito ang propesiya sa Pahayag 19:6: “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.”

Mga kapatid, mula sa itaas na pagbabahagi, maiintindihan natin na ang pangalang ginamit ng Diyos sa bawat kapanahunan ay kumakatawang kahulugan at hindi walang batayan. Ang lahat ng mga ito ay mga pangalang may kahulugan sa kanilang kapanahunan batay sa gawain ng Diyos at ang disposisyong ipinapahayag Niya sa ibang mga kapanahunan. Iyan ang dahilan kung bakit ginamit ng Diyos ang pangalang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw upang tapusin ang buong anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Gayun pa man, ano ang pag-uugali ng mga tao ngayon tungo sa bagong gawain ng Diyos at ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos? Sa kabuuan ng relihiyosong mundo, maraming tao na pinanghahawakan pa rin ang mga talata sa mga kasulatan gaya ng “sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” at “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Padalos-dalos nilang tinatanggihan at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at sinasabing ang naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay naniniwala sa ibang Diyos. … Kung iyan ang sitwasyon, hindi ba ang mga disipulong lumabag sa kautusan upang sumunod sa Panginoong Jesus noon ay naniwala rin ibang Diyos—si Jesus? Hindi ba ang ganitong pagkakaintindi ay tunay na nakakaloko? Kung panghahawakan natin ang ganito kalihis na pagkakaintindi, paano tayo naiiba sa mga Hudyo noon na pinanghawakan lamang ang pangalan ni Jehovah at itinanggi at pinatay ang Panginoong Jesus? Kung ito ay magpapatuloy, hindi ba ang trahedya ng mga Hudyo na pinarusahan sa pagtanggi sa Diyos ay mauulit sa atin? Papayag ba tayong magbayad ng ganoong katinding kabayaran? Mga kapatid, hindi natin matitiyak na kailangan ang pangalan ng Diyos ay habang buhay na tatawaging Jesus. Sa halip, kailangan nating magpakumbaba at hanapin ang mga intensyon ng Diyos. Kapag tinanggap mo ang bagong gawain ng Diyos sa mga huling araw at lumapit sa harapan ng Makapangyarihang Diyos, makikita mo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na Jehovah ng mga Israelita at ang Panginoon din ng mga Hudyo, at saka, Siya ang Panginoong Jesus na matagal nating pinakahihintay! Upang mas maintindihan ng lahat ang aspeto ng katotohanang ito, basahin natin ang isa pang dalawang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Minsan na Akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. Kapag ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng pamamahala ng Manlilikha, ano pa ang kailangan Niya sa isang lubos na naaangkop ngunit hindi kumpletong pangalan? Naghahanap ka pa rin ba ng pangalan ng Diyos ngayon? Naglalakas-loob ka pa ba na sabihing ang Diyos ay tinatawag lamang na Jehova? Naglalakas-loob ka pa ba na sabihing ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus? Kaya mo bang pasanin ang kasalanan na kalapastanganan laban sa Diyos?” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Minamahal na mga kapatid, pinapaintindi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang aspeto ng katotohanan kung bakit ang pangalan ng Diyos ay kailangang magbago. Palagay mo pa rin ba ngayon na ang pangalan ng Panginoon ay kailangan pa ring maging Jesus sa Kanyang pagbabalik? Maaari mo pa rin bang tanggihan ang kaligtasan ng Diyos dahil ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay Makapangyarihang Diyos? Mga kapatid, iisantabi natin ang ating mga sariling paniwala at gumawa ng isang matalinong desisyon! Ang Makapangyarihang Diyos ay matagal nang nag-umpisa sa Kanyang gawain ng mga huling araw. Dala Niya ang lahat ng Kanyang disposisyon. Siya ay puno ng kapangyarihan at awtoridad, tulad nang maalab na araw, tulad ng apoy. Walang sinumang tao o bagay na hindi mahahatulan o malilinis ng Kanyang salita. Sa huli, ang lahat ng mga nasyon ay makakatanggap ng pagpapala dahil tinanggap nila ang Kanyang salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil tumanggi sila sa Kanyang salita. Mga kapatid, paano natin mapapalampas itong huling pagkakataon para mailigtas ng Diyos? Inaasahan ng Makapangyarihang Diyos ang bawat tao na dati Niyang tinubos na magbabalik sa harapan ng Kanyang trono sa nalalapit na panahon, at makakapasok sa bagong langit at lupa na inihanda ng Diyos para sa tao.

Tunay nga itong tiwali. Ang mga taong may tiwaling ideya ay madaling maligaw at magkamali. Hindi nila ganap na makita ang mga bagay at umaasa lamang sa kanilang mga mapanghangad na pag-iisip para matukoy na iyon nga ang pangyayari, ngunit sa katapusan hinahatulan nila ang mga bagay nang hindi wasto. Kapag gumawa ka ng mga maling paghatol dapat mong pagbayaran. Sinasabi ng ilang mga tao, "sumusunod ako sa pangalan ng Panginoong Jesus, ngunit hindi ko matatanggap ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Sa palagay ko, ang pangalan ng Panginoong Jesus ay maaasahan, sapagkat mayroong katibayan ito sa Biblia. Mananatiling tapat ako sa Biblia." Ito ay isang maling desisyon at isang maling paghatol. Ang manahan sa Panginoong Jesus subalit lumalaban at humahatol sa Makapangyarihan Diyos ay magreresulta sa katapusan sa kanilang pagtatakwil at kaparusahan, at ang kanilang mga pagkakataon ng pagpasok sa kaharian ng langit ay aalisin at ang kanilang pangarap na makarating sa langit ay lubos na maglalaho. Ano ang kanilang pagkakamali? Maling mga desisyon at isang maling paghatol. Kung susundin mo lamang ang takbo ng pananatili sa pangalan ng Panginoong Jesus kung gayon tapos ka na. Nang dumating ang Panginoong Jesus, ang mga Fariseong Judio, mga punong saserdote, mga eskriba ay lumaban at hinatulan Siya, at ang relihiyosong mga tagasunod ng Judaismo ay pawang sumunod sa kanilang mga pinuno para itakwil ang Panginoong Jesus. Sa huli ang Estado ng mga Judio ay nawasak; Ang Judaismo ay pinabayaan sa loob ng dalawang libong taon. Ito ba ang pagbabayad ng halaga? Isang maling desisyon, ang pagtatakwil sa Panginoong Jesus, ay pag-anyaya ng isang kalamidad mula sa kalangitan. Sa Kapahunan ng Kaharian dumating ang Makapangyarihan Diyos at yaong mga naniniwala sa Diyos ay sinubok at muling ibinunyag. Maraming mga tao ang sumunod sa mga pastor at mga nakatatanda para iwanan ang Makapangyarihang Diyos at para patuloy na maniniwala sa Panginoong Jesus. At sa katapusan ang mga relihiyosong mga lupon ay nalipol at naging Daking Babilonia. Ano ang kahulugan ng “pagiging Dakilang Babilonia”? Ang Babilonia ay isang lungsod ng mga Gentil, isang wasak na lungsod ito. Ang mga lupon ng mga relihiyoso ay naging ang dakilang Babilonia, isang Gentil na lungsod, na nangangahulugan na dadalhin ng Diyos yaong mga taong relihiyoso at ituturing sila bilang mga Gentil, ang taong walang pananampalataya. Lahat ng mga taong ito ay kailangang lipulin. Samakatuwid, ang susi ay ang pagtanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Sa Kapanahunan ng Kaharian yaong mga naniniwala lamang sa Makapangyarihang Diyos ang maaaring pumasok sa kaharian, at tutulutan ang kanilang lugar sa kaharian ni Cristo.

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nagsasabi “na siyang.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento