Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano.. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano.. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Enero 26, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

buhay, Diyos, Ebanghelyo, kaligtasan, Kristiyano.

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Pag-bigkas ng Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


 Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa komisyon ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa komisyon ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

    Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.