Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Daan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Daan. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Disyembre 17, 2017

Kristianong video | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?



Kristianong video | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?


    Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak" (Mateo 10:34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!

Biyernes, Disyembre 15, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?



    Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). “Ang lahing ito'y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?

Linggo, Disyembre 3, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tatlong Paalaala


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos Tatlong Paalaala


   Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at umayon ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi talagang namamalas sa tao kung tutuusin ang mga katotohanang ito gaano man ito kalinaw at batayan para sa tao, dahil sa kanilang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin Ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago Ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin Ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang saloobin ng di-nababahaging atensyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita Kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid hinihiling Ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan Ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin: