Paano dapat lapitan ang Biblia tungkol sa
paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin
pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ikakalat mo ang
ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at
hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon. Upang
palawakin ang Kanyang gawa, mas mahalaga na maayos moang mga lumang
paniniwala sa relihiyon ng tao at lumang paraan ng paniniwala, at iwan
ang mga ito na lubos na kumbinsido—at ang pagtungo sa puntong ito ay
nagsasangkot sa Bibilia. Sa maraming taon, ang mga kinaugalian na paraan
ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanidad, ang isa sa tatlong
pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis
mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa
Biblia ay isang masamang uri ng kulto, at maling hidwang paniniwala, at
kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga
librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig
sabihin, kung sasabihin mo na naniniwala kasa Diyos, dapat mong basahin
ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at sa labas ng
Biblia hindi ka dapat sumamba ng ibang libro na hindi kasangkotang
Biblia. Kung gagawain mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos.
Mula ng panahon nang mayroong Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa
Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao
ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuti na sabihing sila ay naniniwala sa
Biblia; sa halip na sabihin nila na sinimulan na nila ang pagbabasa ng
Biblia, mas mabuti na sabihin na sinimulan na nila ang paniniwala sa
Biblia; at sa halip na sabihin nilang nanumbalik sila sa Panginoon, mas
mabuting sabihin na sila'y nanumbalik sa Biblia. Sa ganitong paraan,
sinasamba ng mga tao ang Biblia na parang ito ay Diyos, na parang ito ay
kanilang dugong-buhay at ang kawalannito'y tulad ng kawalan ng kanilang
mga buhay. Tinitingnan ng mga tao ang Biblia bilang kasingtaas gaya ng
Diyos, at may mga tao na nakikita ito na mas mataas pa kaysa sa Diyos.
Kung ang mga tao ay hindi taglay ang gawa ng Banal na Espiritu, kung
hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang magpatuloy mamuhay—ngunit
sa oras na mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na
kabanata at kasabihan mula sa Biblia, sa gayon parang nawala na ang
kanilang buhay. At kaya, sa oras na naniwala ang tao sa Panginoon
nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at
mas marami sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nila ang
kanilang pagmamahal sa Panginoon at ang kanilang pananampalataya. Ang
mga taong nakapagbasa ng Biblia at naibibigkas ito sa iba ay mabuting
mga kapatid na lalaki at babae. Sa lahat ng mga taong nakalipas, ang
pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon
sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Payak na hindi nauunawaan ng
karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, o
kung paano maniwala sa Diyos, at walang ibang gagawin kundi bulag na
humanap ng palatandaan upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi
nila kailanman hinanap ang landas ng gawa ng Banal na Espiritu; sa
hinabahaba, wala silang ibang ginawa kundi desperadong mag-aral at
mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang humanap ng bagong gawa ng
Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang ibang lumihis mula sa
Biblia, o nagtangkang umalis mula sa Biblia. Sa lahat ng mga nakaraang
taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakahanap sila ng mga
paliwanaga at nagsikap na maglaan ng gayong daming trabaho; marami rin
silang pagkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na kung saan walang
katapusan nilang pinagtatalunan, gaya ng halos dalawang libong
magkakaibang denominasyon na nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais
makahanap ng ilang tanging mga paliwanag, o mas malalim na mga misteryo
sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita ito sa likuran ng gawain
ni Jehovah sa Israel, o likuran ng gawain ni Jesus sa Judea, o
karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang paglapit ng
mga tao sa Biblia ay isangpagkahumaling at pananampalataya, at walang
sinuman ang ganap na klaro sa loob ng istorya at sustansya ng Biblia.
Kaya, ang resulta sa ngayon ay, ang mga tao ay mayroon pa ring
di-maisalarawang pakiramdam ng kahiwagaan pagdating sa Biblia; higit pa
doon, sila'y nahuhumaling dito, at may pananampalataya rito. Ngayon,
lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa huling
mga araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong trabaho ang
ginagawa ng Diyos sa huling mga araw, at kung anong mga pangitain ang
naroon sa huling mga araw. Sa paraang ito, ang kanilang pagsamba sa
Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa huling mga
araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia,
partikular sa tungkol doon sa mga huling araw. SA ganoong bulag na
paniniwala sa Biblia, na may tulad na pagtitiwala sa Biblia, wala silang
pagnanais na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga
pagkakaintindi ng mga tao, sa isip nila ang Biblia lamang ang magdadala
ng gawa ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga
yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga misteryo ng mga gawain
ng Diyos; sa Biblia lamang—wala sa ibang libro o mga tao—ang
makakapaglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at ang kabuuan ng Kanyang
gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawa ng langit sa lupa; at
parehong ang Biblia ang maaaring magsimula at magwakas ng mga
kapanahunan. Sa mga pagkakakaintinding ito, walang inklinasyon ang mga
tao na hanapin ang gawa ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang
tulong na nagawa ng Biblia sa tao noong nakalipas, ito’y naging isang
balakid sa pinakabagong gawa ng Diyos. Kung wala ang Biblia, maaaring
hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang dako, ngunit ngayon,
ang Kanyang mga yapak ay "nakapaloob" sa Biblia, at ang pagpapalawak ng
Kanyang pinakabagong gawa ay naging mas mahirap, at isang pataas na
pakikipaglaban. Ito lahat ay dahil sa kilalang mga kabanata at mga
kasabihan mula sa Biblia, pati iba't ibang mga propesiya ng Biblia. Ang
Biblia ay naging isang idolo sa isip ng mga tao, ito ay naging isang
malaking palaisipan sa kanilang mga utak, at simpleng hindi na nila
kayang maniwala na maaaring eksklusibong makakagawa ang Diyos sa Biblia,
hindi nila kayang maniwala na ang mga tao ay maaaring makita ang Diyos
sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila kayang maniwala na ang Diyos
ay maaaring lumisan sa Biblia sa panahon ng huling gawa at magsimula ng
panibago. Ito ay hindi maarok ng mga tao; sila ay hindi dito
makapaniwala, at hindi rin nila maisip ito. Ang Biblia ay naging isang
malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at
pinahirap nito na palawakin ang bagong gawa. Kaya, kung hindi ninyo
nauunawaan ang loob na istorya ng Biblia, hindi kayo magtatagumpaysa
pagkalat ng ebanghelyo, ni hindi kayo makapagpapatunay sa bagong gawa.
Kahit na, ngayon, hindi ninyo binabasa ang Biblia, kayo pa rin ay lubos
na nagigiliwan dito, na sinasabi, maaaring ang Biblia ay wala sainyong
mga kamay, ngunit marami kayong pagkaunawa na nagmula rito. Hindi ninyo
nauunawaan ang pinagmulan ng Biblia o ang sa loob ng istorya tungkol sa
nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Kahit na hindi kayo
kumakain o umiinom ng Biblia, dapat ninyong maunawaan ang Biblia, dapat
ninyong matamo ang tamang kaalaman sa Biblia, at tanging sa paraang ito
malalaman ninyo kung anoang tungkol sa 6,000-taon na plano sa pamamahala
ng Diyos. Gagamitin ninyo ang mga bagay na ito upang mapaniwala ang mga
tao, para ipakilala sa kanila na ang agos na ito ang tamang daan, para
ipakilala sa kanila na ang landas na inyong tinatahak ngayon ay landas
ng katotohanan, na siyang ginagabayan ng Banal na Espiritu, at hindi pa
binuksan ninuman.
Noong unang panahon, bago pa sa Kapanahunan ng Biyaya nagbabasa ang
mga tao ng Biblia, ngunit sa panahong iyon mayroon lamang Lumang Tipan;
walang Bagong Tipan. Mula nang magkaroon ng Lumang Tipan ng Biblia,
sinimulan ng tao ang pagbabasa ng banal na kasulatan. Matapos na ang
paggabay ni Jehova sa kanya ay nagwakas, isinulat ni Moises ang Genesis,
Exodo, at Deuteronomio.... Inalala niya ang gawain ni Jehova sa oras na
iyon, at isinulat ito. Ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan.
Siyempre, ito rin ay naglalaman ng ilan sa mga hula ng mga propeta, at
siyempre, ang mga hulang ito ay hindi nangangahulugan na kasaysayan.
Napapaloob sa Biblia ang ilang bahagi—hindi lamang panghuhula, o gawa ni
Jehova, o mayroon lamang sulatin ni Pablo. Kailangan ninyong malaman
kung gaano karaming mga bahagi ang napapaloob sa Biblia; ang Lumang
Tipan ay naglalaman ng Genesis, Exodo..., at mayroon ding mga aklat ng
hula na kanilang isinulat. Sa katapusan, ang Lumang Tipan ay nagtatapos
sa Aklat ni Malakias. Itinatala nito ang gawa saKapanahunan ng Kautusan,
na siyang pinamunuan ni Jehova; mula sa Genesis hanggang Libro ng
Malakias, ito ay komprehensibong tala ng lahat ng gawa ng Kapanahunan ng
Kautusan. Sa madaling salita, ang Lumang Tipan ay tala ng lahat ng
karanasng ng tao na ginabayan ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan.
Noong Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, ang karamihan ng mga
propeta na inalagaan ni Jehova aynagbanggit ng hula para sa Kanya,
nagbigay sila ng mga panuto sa iba't ibang mga tribo at bansa, at
hinulaan ang gawa na gagawin ni Jehova. Ang mga inalagaang taona ito ay
nabigyan ng Espiritu ng propesiya ni Jehova: Kanilang nakita ang mga
pangitain mula kay Jehova, at narinig ang Kanyang boses, at kaya sila'y
nabigyan-inspirasyon Niya at nagsulat ng propesiya. Ang gawa na kanilang
ginawa ay pahayag ng tinig ni Jehova, gawa ito ng propesiya na kanilang
ginawa sa ngalan ni Jehova, at ang gawa ni Jehova noong panahong iyon
ay simpleng gabayan ang mga tao sa paggamit sa Espiritu; hindi Siya
nagkatawang-tao, at hindi nakita ng mga tao ang Kanyang mukha. Kaya,
pinapag-iral Niya angmaraming propeta upang magawa ang Kanyang trabaho,
at binigyan sila ng mga orakulo na kanilang ipinamana sa bawat tribo at
lahi ng Israel. Ang kanilang mga gawa ay bigkasin ang propesiya, at ang
ilan sa kanila'y sinulat ang mga tagubilin ni Jehova sa kanila upang
maipakita sa iba. Inalagaan ni Jehova ang mga taong ito upang salitain
ang propesiya, upang hulaan ang gawa ng hinaharap o ang gawa na dapat
pang matapos sa oras na iyon, upang makita ng mga tao ang nakakamangha
at karunungan ni Jehova. Ang mga aklat na ito ng propesiya ay sadyang
naiiba sa ibang mga aklat ng Biblia; sila ay mga salita na binigkas o
sinulat ng mga binigyan ng Espiritu ng propesiya—ng mga nagkamit ng mga
pangitan o boses mula kay Jehova. Bukod sa mga aklat ng propesiya, ang
lahat ng iba sa Lumang Tipan ay mga talaan na gawa ng mga tao matapos
magawa ni Jehova ang Kanyang gawain. Ang mga librong ito ay hindi
makakapalit sa mga hulang sinabi ng mga propeta na pinapag-iral ni
Jehova, katulad ng Genesis at Exodo na hindi maikukumpara sa Libro ni
Isaias at sa Libro ni Daniel. Ang mga propesiya ay winikabago ipinatupad
ang gawa; ang ibang libro, sa mga oras na ito, ay isinulat bago pa ito
natapos, na siya namang kakayanan ang mga tao. Ang mga propeta ng oras
na iyon ay nabigyang-inspirasyon ni Jehova at nagwika ng ilang
propesiya, maraming salita ang winika, at hinulaan nila ang mga bagay ng
Kapanahunan ng Biyaya, pati na rin ang pagkasira ng mundo sa huling mga
araw—ang gawain ni Jehova na binalak gawin. Itinala ng lahat ng mga
natitirang libro ang gawang tinapos ni Jehova sa Israel. Kaya, kapag
inyong binasa ang Biblia, binabasa ninyo mismo kung ano ang ginawa ni
Jehova sa Israel; ang Lumang Tipan ng Biblia ay pangunahing nagtala ng
gawain ni Jehova sa paggabay sa Israel, ang paggamit Niya kay Moises
upang gabayan ang mga Israelita palabas ng Ehipto, na nag-alis sa kanila
ng mga kadena ng Paraon, at dinala sila sa kaparangan, matapos noon ay
pumasok sila sa Canaan at ang lahat nang sumunod dito ay ang kanilang
buhay sa Canaan. Ang lahat bukod dito ay mga tala ng gawain ni Jehova sa
buong Israel. Lahat ng nakatala sa Lumang Tipan ay gawain ni Jehova sa
Israel, ito'y gawa ni Jehova sa lupa kung saan nilikha Niya sina Adan at
Eba. Mula nang opisyal na sinimulan ng Diyos na pamunuan ang mga tao sa
mundo matapos ni Noe, ang lahat ng nakatala sa Lumang Tipan ay gawa ng
Israel. At bakit walang nakatala na kahit anong gawa lampas sa Israel?
Dahil ang lupain ng Israel ay ang duyan ng sangkatauhan. Sa simula,
walang ibang bansa maliban sa Israel, at si Jehova ay di gumawa sa ibang
lugar. Sa paraang ito, kung ano ang nakasulat sa Biblia ay pulos gawa
sa Israel nang oras na iyon. Ang mga salitang winika ng mga propeta, ni
Isaias, Daniel, Jeremias, at Ezekiel ... ang kanilang mga salita ay hula
ng Kanyang ibang gawa sa mundo, hinuhulaan nila ang gawa ng Mismong
Diyos na si Jehova. Ang lahat ng ito ay mula sa Diyos, ito ay ang gawa
ng Banal na Espiritu, at bukod sa mga aklat na ito ng mga propeta, lahat
ng iba ay tala ng mga taong nakaranas ng mga gawain ni Jehova nang
panahong iyon.
Ang gawain ng paglikha ay nangyari bago ang sangkatauhan, ngunit
dumating lamang ang Aklat ng Genesis matapos magkaroon ng sangkatauhan;
ito ay isang aklat na isinulat ni Moises noong Kapanahunan ng Kautusan.
Ito ay tulad ng mga bagay na nangyayari sa inyo sa araw na ito:
Pagkatapos nilang mangyari, sinusulat ninyo ang mga ito para ipakita sa
mga tao sa hinaharap, at para sa mga tao sa hinaharap, ang inyong mga
naitala ay bagay na nangyari noong nakalipas na panahon—ito’y wala nang
iba kundi isang kasaysayan. Ang mga bagay na naitala sa Lumang Tipan ay
gawain ni Jehova sa Israel, at kung saan ang nakatala sa Bagong Tipan ay
gawain ni Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya; itinala nila ang gawa na
tinapos ng Diyos sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang Lumang Tipan ay
nagtatala ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan, at kaya ang
Lumang Tipan ay makasaysayang libro, habang ang Bagong Tipan ay bunga
ng gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang simulan ang bagong gawa, ang
mga librong ito ay naluma—at kaya, ang Bagong Tipan ay isa ring
pangkasaysayang libro. Siyempre, ang Bagong Tipan ay hindi kasing-
sistematiko tulad ng Lumang Tipan, o nagtatala ng kasing-daming mga
bagay. Ang lahat ng maraming salita na winikani Jehova ng Lumang Tipan
ay nakatala sa Biblia, samantala ilan lamang sa mga salita ni Jesus ang
nakatala sa Apat na Ebanghelyo. Siyempre, marami ring natapos na gawa si
Jesus, ngunit hindi ito naitala nang madetalye. Na mas kakaunti ang
naitala sa Bagong Tipan ay dahil sa kung gaano karaming gawa ang nagawa
ni Jesus; ang dami ng Kanyang gawa noong tatlo-at-kalahating taon sa
mundo at yaong ginawa ng mga apostol ay higit na kakaunti kaysa sa
gawain ni Jehova. At sa gayon, mas kaunti ang mga libro sa Bagong Tipan
kaysa sa Lumang Tipan.
Anong uri ng libro ang Biblia? Ang lumang tipan ay ang gawain ng
Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Lumang Tipan ng Biblia ay
nagtatala ng lahat ng gawain ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan at
ang Kanyang gawain ng paglikha. Ang lahat ng ito ay nagtatala ng gawana
tinapos ni Jehova, at ito ay wakasang tumatapos sa mga salaysay ng
gawain ni Jehova sa Libro ng Malakias. Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng
dalawang pirasong gawa na tinapos ng Diyos: Ang isa ay ang gawain ng
paglikha, at ang isa ay pag-aatas ng mga kautusan. Ito ay parehong
gawain na ginawa ni Jehova. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan
sa gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Jehova; ito ay kabuuan ng
mga gawa na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jehova.
Kaya, ang Lumang Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jehova, at ang Bagong
Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus, gawa na siyang pangunahing
ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Karamihan sa kahalagahan ng
pangalan ni Jesus at gawain na Kanyang ginawaay nakatala sa Bagong
Tipan. Sa panahon ng Lumang Tipan, binuo ni Jehova ang templo at altar
sa Israel, ginabayan Niya ang buhay ng mga Israelita sa mundo,
nagpapatunay na sila ang Kanyang bayang pinili, ang unang grupo ng mga
tao na Kanyang pinili sa mundo at katulad ng Kanyang sariling puso, ang
unang grupo na personal Niyang pinamunuan; sa madaling salita, ang
labindalawang tribo ng Israel ay ang mga unang pinili ni Jehova, at kung
kaya ang Diyos ay palaging nakikipagtrabaho sa kanila, hanggang sa
katapusan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang ikalawang
yugto ng gawain ay ang gawa ng Kapanahunan ng Biyaya ng Bagong Tipan, at
ito ay isinagawa sa tribo ng Juda, isa sa labindalawang tribo ng
Israel. Na ang saklaw ng gawain ay mas maliit ay dahil si Jesus ay Diyos
na nagkatawang-tao. Si Jesus ay gumawa lamang sa buong lupain ng Judea,
at gumawa lamang ng tatlo-at-kalahating taon ng gawain; sa gayon, ang
nakatala sa Bagong Tipan ay malayong malagpasan ang bilang ng gawa na
nakatala sa Lumang Tipan. Pangunahing nakatala ang gawain ni Jesus sa
Kapanahunan ng Biyaya sa Apat na mga Ebanghelyo. Ang landas na dinaanan
ng mga tao ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang pinakamababaw na pagbabago sa
kanilang disposisyon sa buhay, na kung saan ang ilan ay nakatala sa mga
sulat. Ang mga sulat ay nagpapakita kung paano gumawa ang Banal na
Espiritu noong oras na iyon. (Siyempre, hindi alintana kung si Pablo ay
kinsatigo o tinamaan ng kamalasan, sa trabahong ginawa niya siya ay
tinuruan ng Banal na Espiritu, siya'y ginamit ng Banal na Espiritu noong
oras na iyon; si Pedro, rin, ay ginamit ng Banal na Espiritu, ngunit
hindi kasing-dami ang kanyang ginawa di-tulad ng kay Pablo. Mula sa mga
sulat na sinulat ni Pablo makikita kung paano gumawa ang Banal na
Espiritu noong oras na iyon; ang landas na tinahak ni Pablo ay ang tama,
wasto ito, at ito'y daanan ng Banal na Espiritu.)
Kung nais mong makita ang gawa ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita
kung paano ang mga Israelita sumunod sa landas ni Jehova, sa gayon dapat
mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawa ng
Kapanahunan ng Biyaya, sa gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan.
Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan
ninyong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng ngayon, at magsimulang gumawa
ng trabaho sa araw na ito, dahil ito'y bagong gawa, at wala pang
nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay nagkatawang-tao at
pumili ng iba sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito,
nagpapatuloy Siyang gumawa ng Kanyang gawain sa mundo, nagpapatuloy mula
sa gawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng araw na ito ay isang
landas na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at landas na walang
sinuman ang nakakita. Ito ay gawa na hindi kailan pa man nagawa—ito ay
pinakabagong gawa ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawa na hindi pa nagawa
noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa
nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay ay nakagawa
nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na
ito’y nawala na sa saklaw ng Israel, at lampas sa panghuhula ng mga
propeta, na ito’y bago at kahanga-hangang gawa na wala sa mga propesiya,
at mga bagong gawa na lampas sa Israel, at gawa na hindi maaaring
maramdaman o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng
malinaw na mga talaan ng nasabing gawa? Sino ang maaaring magtala ng
bawat piraso ng gawa ngayon, nang walang makakaligtaan, na mauuna muna?
Sino ang maaaring magtala nitong mas makapangyarihan, mas matalinong
gawa na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang
gawa ng araw na ito ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais ming
lumakad sa bagong landas ngayon, sa gayon kailangan mong lisanin ang
Biblia, dapat kanghumayo lampas sa mga libro ng propesiya o kasaysayan
na nasa Biblia. Matapos lamang ng iyon maaari kang makalakad sa bagong
landas nang maayos, at sa gayon lamang kayo makakapasok sa bagong
kaharian at sa bagong gawain. Dapat mong maunawaan kung bakit, ngayon,
hinihiling sa iyo na huwag basahin ang Biblia, kung bakit mayroong ibang
gawa na hiwalay sa Biblia, kung bakit ang Diyos ay hindi na naghanap
nang mas bago, mas detalyadong kasanayan sa Biblia, kung bakit sa halip
ay mayroong mas makapangyarihang gawa sa labas ng Biblia. Ito ang lahat
ng dapat ninyong maunawaan. Kailangan mong malaman ang pagkakaiba sa
pagitan ng luma at bagong gawa, at kahit na hindi mo binabasa ang
Biblia, dapat kaya mo itong mapag-aralan; kung hindi, sasambahin mo pa
rin ang Biblia, at magiging mahirap ito para sa iyo na makapasok sa
bagong gawa at sumailalim sa mga bagong pagbabago. Yamang mayroong mas
mataas na paraan, bakit mag-aaral nang mas mababa, wala-na-sa- panahong
paraan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawa, bakit
mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong
pagbigkas na maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ay
bagong gawa; ang mga lumang talaan ay hindi ka papagsawain, o tutugon sa
iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na sila'y
kasaysayan, at hindi gawa ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na paraan
ay ang pinakabagong gawa, at sa bagong gawa, kahit gaano pa kataas ang
daan ng nakaraan, ito pa rin ay kasaysayan ng mga pagninilay ng mga tao,
at kahit gaano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay
lumang landas. Kahit na ito ay naitala sa "banal na aklat," ang lumang
landas ay kasaysayan; kahit na walang nakatala nito sa "banal na aklat,"
ang bagong landas ay ang dito at ngayon. Ang ganitong paraan maaari
kang iligtas, at maaari kang magbago sa ganitong paraan, dahil ito ay
gawa ng Banal na Espiritu.
Dapat ninyong maunawaan ang Biblia—ang gawang ito ay ang
pinaka-kailangan! Ngayon, hindi mo kailangang basahin ang Biblia, dahil
walang bago dito; lahat ito ay luma. Ang Biblia ay isang makasaysayang
aklat, at kung iyong kinain at inimon ang Lumang Tipan sa Kapanahunan ng
Biyaya—kung iyong ipinatupad kung ano ang kinailangan sa oras ng Lumang
Tipan noong Kapanahunan ng Biyaya—maaaring tanggihan ka ni Jesus, at
kondenahin ka; kung ipinatupad mo ang Lumang Tipan sa gawa ni Jesus,
ikaw sana’y naging isang Pariseo. Kung, ngayon, ipinag-isa ninyo ang
Luma at Bagong Tipan upang kainin at inumin, at ipatupad, kung gayon
kokondenahin ka ng Diyos ng ngayon; kayoay maiiwan sa gawa ng Banal na
Espiritu ngayon! Kung kumain kayo ng Lumang Tipan, at kumain ng Bagong
Tipan, sa gayon kayo ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu! Sa
panahon ni Jesus, pinamunuan ni Jesus ang mga Hudyo at ang lahat ng
sumunod sa Kanya ayon sa gawa ng Banal na Espiritu sa Kanya noong oras
na iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa,
kundi nagsalita ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya pinakinggan kung ano
ang sinabi ng Biblia, o naghanap Siya sa Biblia ng landas upang
pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula sa kung saan Siya nagsimula ng
gawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—isang salita kung saan
walang pagbanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya
kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa bagong daan, at
gumawa ng bagong gawain. Kahit kailan hindi Siya sumangguni sa Biblia
kapag Siya ay nangangaral. Sa Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman
ang nakagawa ng Kanyang mga milagro ng pagpapagaling sa may sakit at
pagpapalayas ng mga demonyo. Ang Kanyang gawa, Kanyang mga tinuro,
Kanyang awtoridad—walang gumawa nito noong Kapanahunan ng Kautusan.
Simple lang na ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit
na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Biblia—at gumamit pa ng
Lumang Tipan para ipako Siya—ang Kanyang gawain ay nalagpasan ang
Lumang Tipan; kung ito man ay hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa
krus? Hindi ba dahil ito ay walang binanggit sa Lumang Tipan sa Kanyang
pagtuturo, at ang Kanyang kakayahan na magpagaling ng may sakit at
magpalayas ng mga demonyo? Ang Kanyang gawain ay para maghatid ng bagong
daan, hindi ito para kusang "maghanap ng away" laban sa Biblia, o para
kusang tapusin ang Lumang Tipan. Siya ay simpleng dumating upang isagawa
ang Kanyang ministeryo, upang dalhin ang mga bagong gawa sa mga
naghahangad at naghahanap sa Kanya. Hindi Siya dumating upang ipaliwanag
ang Lumang Tipan o ayunan ang gawa nito. Ang Kanyang gawa ay hindi para
pahintulutan ang Kapanahunan ng Kautusan na magpatuloy sa pagyabong,
dahil ang Kanyang gawa ay walang konsiderasyon sa kung ang Biblia ba ay
batayan nito; simpleng dumating si Jesus upang gawin ang gawa na dapat
Niyang gawin. Kaya, hindi Niya ipinaliwanag ang mga propesiya ng Lumang
Tipan, o gumawa Siya ng ayon sa mga salita ng Kapanahunan ng Kautusan ng
Lumang Tipan. Hindi Niya pinansin ang sinabi ng Lumang Tipan, wala
Siyang pakialamkung ang Kanyang gawa ay sinang-ayunan o hindi, at walang
pakialam kung ano ang alam ng iba sa Kanyang gawain,o kung paano nila
kinondena ito. Simple Niyang ipinagpatuloy ang gawa na dapat Niyang
gawin, kahit na maraming tao ang gumamit ng mga hula ng mga propeta ng
Lumang Tipan upang kondenahin Siya. Sa mga tao, lumitaw ito na parang
ang Kanyang gawain ay walang batayan, at mayroong higit pa dito na
siyang kabalintunaan ng mga talaansa Lumang Tipan. Hindi ba ito
kahangalan? Ang doktrina ba ay kailangang ilapat sa gawa ng Diyos? At
ito ba ay dapat ayon sa mga hula ng mga propeta? Matapos ang lahat, alin
ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng
Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan
na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at
gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay
hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? Kung pananatilihin Niya ang Araw
ng Pamamahinga at mangangaral ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit
hindi tumutupad si Jesus sa Araw ng Pamamahinga matapos Niya dumating,
ngunit sa halip naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, hinati-hati ang
tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba itong lahat ay wala sa mga utos ng
Lumang Tipan? Kung pinarangalan ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya
hinamon ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna,
ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya
ba'y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?
Ang gawain na ginawa ng Jesus sa panahon ng Bagong Tipan ay nagbukas
ng bagong gawa: Hindi Siya gumawa ayon sa gawain ng Lumang Tipan, ni
hindi rin Siya naglapat ng mga salita na sinabi ni Jehova ng Lumang
Tipan. Ginawa Niya ang Kanyang sariling gawain, at gumawa Siya ng mas
bagong gawain, at gawain na mas mataas kaysa sa kautusan. Kaya, sinabi
Niya: “Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o
ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang
ganapin.” Kaya, alinsunod sa kung ano ang natapos Niya, maraming mga
doktrina ang nasira. Dinala Niya ang mga alagad sa mga palayan upang
manguha at kumain ng mga ulo ng butil, hindi Niya sinunod ang Araw ng
Pamamahinga, at sinabing “ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng
sabbath.” Sa oras na iyon, ayon sa mga tuntunin ng mga Israelita, kung
sinuman ang hindi sumunod sa Araw ng Pamamahinga ay babatuhin hanggang
kamatayan. Si Jesus, gayunpaman, ay hindi pumasok sa templo osumunod sa
Araw ng Pamamahinga, at ang Kanyang gawa ay hindi nagawa ni Jehova sa
oras ng Lumang Tipan. Kaya, ang gawain na ginawa niJesus ay
nahigitanangkautusan ng Lumang Tipan, ito ay mas mataas kaysa doon, at
ito ay di-ayon doon. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi gumawa si Jesus
ayon sa kautusan ng Lumang Tipan, nilabanan Niya ang mga doktrinang
iyon. Ngayon may mga taong sumusunod parin sa Biblia, at partikular sa
kautusan ng Lumang Tipan—hindi ba nito ipinagkakaila ang gawa ni Jesus?
Nagsasabi ang ilang mga tao na ang Biblia ay isang banal na aklat, na
ito ay dapat na basahin, at sinasabi ng ilang mga tao na ang gawain ng
Diyos ay dapat na magpakailanmang ipatupad, na ang Lumang Tipan ay tipan
ng Diyos sa mga Israelita, at hindi maaaring iwaksi, at ang Araw ng
Pamamahinga ay dapat laging tinutupad! Hindi ba sila katawa-tawa? Bakit
hindi sinusunod ni Jesus ang Araw ng Pamamahinga? Siya ba'y nagkakasala?
Sino ang maaaring makatanaw lampas sa mga nasabing bagay? Hindi
alintana kung paano man ninyo basahin ang Biblia, magiging imposibleng
malaman ang gawain ng Diyos gamit ang kapangyarihan ng tao sa pag-unawa.
Hindi lamang ikaw ang makakakuha ng dalisay na kaalaman ng Diyos,
ngunit ang iyong mga pag-unawa ay magiging mas kapansin-pansin, tulad ng
masisimulanmong lumaban sa Diyos. Kung hindi dahil sa pagkakatawang-tao
ng Diyos ngayon, ang mga tao ay mawawalan ng kanilang sariling mga
pagkakaintindi, at sila'y mamamatay sa gitna ng pagkakastigo ng Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Tungkol sa Biblia (1)
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento