Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa
araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas
ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang
mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang
tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari
siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso,
kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang
kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa
isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa
huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng
Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang
pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng
Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni
hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang
hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas
bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang
praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga
pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong
uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo
ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumalagong mas
mataas, kaya gayon din ang gawain ng Diyos na nagiging mas mataas.
Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na maabot ang pagka-perpekto at
maging karapat-dapat para gamitin ng Diyos. Sa isang dako, ang Diyos ay
kumikilos sa ganitong paraan upang kontrahin at baligtarin ang mga
paniwala ng tao, at sa kabilang banda upang akayin ang tao patungo sa
isang mas mataas at higit na makatotohanang kalagayan, sa pinakamataas
na antas ng paniniwala sa Diyos, upang sa bandang katapusan, ang
kalooban ng Diyos ay matapos. Ang lahat yaong may isang suwail na
kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan ng mabilis at
makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang
at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong
gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang
iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may
pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na ikaw ay magiging isang
taong itatakwil ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng
Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin
at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang
resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar.
Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong
gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang
Diyos. Kung ang isang tao ay walang pagkamasunurin sa kanyang puso ni
isang pananabik para sa katotohanan, kung gayon siya ay manganganib.
Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi
kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon
ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang
sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay
naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay
na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita
ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos.
Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya’y umaakyat sa hakbang na
ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay
aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na
Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa
iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at
susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi
inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na
Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon
papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Ang gawain ng Diyos ay
ang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag sinunod at
tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay
siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang
eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at
ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang
bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang
liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay
agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin,
“Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo.” Kung gayon ay sasabihin Ko
sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng
buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon,
napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu
ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit
mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay
maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya
ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo
ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung
saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya.
Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng
mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas
mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao
at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto
ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na
Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos
upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao,
pangyayari, o bagay Papangyayariin Niyang makapasok ka sa pangangalaga
at upang magkamit ng ilang pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang
daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo
upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay
nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman.
Kapag lumakad ka sa tamang daan, mabibigyan ka ng pagbubunyag sa lahat
ng mga bagay. Hindi alintana kung ano ang maaaring ibunyag ng Banal na
Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka sa batayan ng kanilang kaalaman
upang maranasan ang mga bagay sa iyong sarili, kung gayon ay magiging
buhay mo ito, at magagawa mong tustusan ang iba dahil sa karanasang ito.
Ang mga magtutustos sa iba sa pamamagitan ng ginayang mga salita ay mga
walang karanasan; dapat matutunan mo ang paghahanap, sa pamamagitan ng
pagliliwanag at paglilinaw sa iba, isang paraan ng pagsasagawa bago
magsalita ng iyong sariling aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay
magiging malaking pakinabang sa iyong sariling buhay. Dapat mong
maranasan sa paraang ito, sumusunod sa lahat na nanggagaling sa Diyos.
Dapat mong hanapin ang isip ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matuto ng
mga leksiyon sa lahat ng mga bagay, na lumilikha ng paglago sa iyong
buhay. Ang ganitong pagsasagawa ang magdudulot ng pinakamabilis na
paglago.