Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Sabado, Enero 6, 2018

Awit ng Papuri | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Adan at Eba, Biyaya, buhay, Diyos, Pag-ibig

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Papuri | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao


I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Biblia
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao.
Inosente at puro, hindi nababagabag,
puno ng biyaya sa buhay.
Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak.
Lahat ng ating salita’t gawa,
ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.
III
Mula nang unang likhain ang sangkatauhan,
nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan
Nais Niyang manalig ang tao sa Kanya (ang tao sa Kanya).
At sundin ang Kanyang Salita,
ito ang inasahan ng Diyos sa Sangkatauhan.
IV
Dala ang pag-asang ito, sinabi ng Diyos:
“Bawat puno sa hardin, Malaya kang kumain,
maliban lang sa puno ng kaalaman ng mabuti’t masama (mabuti’t masama).
‘Pagkat sa araw na kinain mo ‘yon,
tiyak kang mamamatay.”
Mga simpleng salita, sumasagisag ng nais Niya,
nagpapakita ng malasakit ng Diyos para sa atin.
V
Sa mga simpleng salita, laman ng puso Niya’y nakita.
May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga?
Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga.
Ng taong may konsensya at may pagkatao,
may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.
VI
Dahil sa ‘yong nadarama (nadarama), ano ngayon ang tugon mo sa Diyos?
Kakapit ka ba sa Kanya?
Mapitagang pag-ibig lalago sa puso?
At sa Diyos ay mas lalapit pa?
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao.
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Bakit si Pedro lamang ang nakakilala kay Jesus  bilang Kristo ?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento