Gan'en Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui
Sa
buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon
ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging
mapagbantay upang hindi mapinsala" sa pakikipag-ugnayan sa lipunan.
Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi
kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na
mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon
ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang
pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at
iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang "mabuting tao."
Kahit
pagkatapos kong matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw,
nanatili ako sa kasabihang ito sa aking mga pakikitungo sa iba. Nang
makita ko na hinihingi ng Diyos na tayo ay maging inosente, marangal at
matapat, marangal lamang ako sa maliliit na bagay na walang personal na
interes sa akin. Hindi ko halos kailanman ibinabahagi ang mga aspeto ng
aking disposisyon na nakita kong totoong tiwali, dahil sa takot na
hahamakin ako ng aking mga kapatid. Nang ibukod ako ng aking lider dahil
sa paggawa ng walang sigasig sa aking gawain, ako ay puno ng
paghihinala at pag-aalinlangan at inisip sa sarili ko, "Bakit palagi
akong ibinubukod ng aking lider at dumadako sa mga detalye ng aking
kalagayan sa harapan ng lahat ng aking mga kapatid? Hindi ba halata na
mapapahiya ako nito at mapapahiya ako sa harap ng lahat? Marahil ang
aking pinuno ay hindi masyadong masigasig sa akin, kaya nagpasiya siyang
sisihin ako." Lubhang masakit at hindi mabata na makita ang iba pang
mga kapatid na itinataas habang ako ay nananatili sa parehong posisyon.
Ipinalagay ko na hindi ako itinataas dahil hindi ako karapat-dapat na
sanayin. Ang aking puso ay napuno ng mga maling pag-unawa at mga
pagdududa; Nadama ko na wala akong kinabukasan, na wala nang kabuluhan
sa pagpapatuloy sa landas na ito. Sapagkat lagi akong nagbabantay at
naghihinala sa iba, pahigit nang pahigit na hindi ko naunawaan ang Diyos
at naramdamang paunti nang paunti ang kaugnayan sa Kanya. Ang aking
kondisyon ay nagiging higit at higit pang hindi karaniwan at sa huli ay
nawala ang aking kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa
kadiliman.
Sa kalaliman ng pagdurusa, nawala at walang direksyon, dumating ako sa siping ito ng salita ng Diyos: “Kung
masyado kang tuso, magkakaroon ka ng mapagsaalang-alang na puso at
pag-iisip na may pagdududa sa lahat ng bagay at lahat ng mga tao. Sa
ganitong katuwiran, ang iyong pananampalataya sa Akin ay itinayo sa
pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi
Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ang
iyong pag-ibig ay malayo sa tunay na pag-ibig. At kahit pagdudahan mo
ang Diyos at sadyaing magkaroon ng sapantaha tungkol sa Kanya, ikaw ay
talagang pinakatusong tao” (“Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang pinag-iisipan ko
ang salita ng Diyos, bigla akong nagbulay sa aking mga sariling aksyon
sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa una pa lamang, naisip ko: “Hindi ba’t
nabubuhay ako na may ‘mapagsaalang-alang na puso at pag-iisip na may pagdududa sa lahat ng bagay at lahat ng mga tao’?”
Kung gayon, hindi ba’t ako ay isang tusong tao sa paningin ng Diyos? Sa
sandaling iyon, ang mga salitang "tusong tao" ay tumagos sa aking puso
tulad ng isang matalas na talim, na dinudulutan ako ng di mabatang
pagdurusa. Palagi kong inisip na hangga't pinananatili ko ang kasabihang
“Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba,
ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala," ituturing akong
isang mabuting tao ng aking mga katulad, kaya ako ay nabuhay sa
pamamagitan ng mga salitang iyon sa aking mga pakikitungo sa ibang mga
tao at sa pagsasagawa ng tungkulin. Hindi kailanman, sa lahat ng aking
mga taon, na pinaghinalaan ko na ang pamumuhay sa pamamagitan ng
kasabihang ito ay gagawin akong isang taong may pagkatuso.
Nangangahulugan ito na “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong
mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi
mapinsala," ang kasabihang napakatagal kong itinaguyod, ay hindi
tumalima sa katotohanan at nasa tuwirang pagsalungat sa salita ng Diyos.
Nagulat ako na makita ang pilosopiyang ito ng buhay na aking itinaguyod
sa hinaba ng aking natatandaan ay ibinagsak at pinabulaanan ng mga
salita ng Diyos na tila sa magdamag. Gayunpaman, dahil ang mga bagay ay
nagkagayon na, wala akong pagpipilian kundi ang tanggapin ang mga
katotohanan. Kinalma ko ang aking sarili, nagsagawa ng ilang pag-iisip
at muling sinuri ang kasabihang ito na pinanghawakan ko ng matagal. Sa
paglipas ng panahon, salamat sa pagliliwanag ng Diyos, sa wakas ay
nakakuha ako ng bagong pag-unawa at pananaw tungkol sa parirala. Sa
ibabaw, ang “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala
sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" ay tila
isang sapat na makabuluhang ideya at alinsunod sa karamihan ng kuru-kuro
ng mga tao tungkol sa tama at mali. Mukhang walang anumang bagay na
mali sa ideya sa simula, sapagkat sinasabi lamang nito na dapat tayong
magbantay laban sa iba, ngunit hindi mag-umpisang gumawa ng pinsala sa
iba. Karagdagan pa, ang pamumuhay sa kasabihang ito ay pumipigil sa atin
mula sa pagkahulog sa mga bitag habang pinapayagan din tayo na
matutunan kung paano maging mabubuting mga tao. Gayunpaman, kapag
isinasailalim natin ang pariralang ito sa maingat na pagsusuri, nagiging
malinaw na ito talaga ay isang lubos na nakatatakot na paraan kung saan
ay sinisira ni Satanas ang sangkatauhan. Ang pariralang ito ay lihim na
nagsasabi sa atin na hindi ka maaaring magtiwala sa sinuman, na ang
sinuman ay may kakayahang makapinsala sa iyo, kaya sa iyong mga
pakikitungo sa iba, huwag mong ibibigay kailanman ang lahat. Sa ganitong
paraan, nagbabantay ako laban sa iyo, ikaw ay maghihinala sa akin at
walang sinuman sa atin ang talagang nagtitiwala sa isa’t isa. Ito ay
naghahatid sa atin pababa sa daan tungo sa hindi pagkakaunawaan,
kapootan, at pagpapakana, na nagdudulot sa sangkatauhan upang maging
higit at higit pang tiwali, taksil, tuso at hindi matapat. Ang mas
masama pa, ang pananalitang ito ni Satanas ay nagdudulot sa atin upang
maging mapagbantay, mapaghinala at hindi mapagtiwala sa pakikipagtagpo
sa ating mapagmahal at mabait na Diyos. Nagsisimula tayong mag-isip na
ang Diyos, din, ay mapandaya, tuso at puno ng mga pakana—na ang Diyos ay
hindi gumagawa para sa ating pinakamabuting kapakinabangan. Bilang
resulta, gaano man tayo kamahal ng Diyos at kamaunawain sa atin,
nag-aatubili tayo na ilagay ang ating pananampalataya sa Kanya, at mas
malamang na hindi pahahalagahan gaano man ang Kanyang ginagawa para sa
atin. Sa halip, kinukuwestyon natin ang lahat ng ginagawa Niya nang may
mapandayang puso, at pinapasa ang ating mga maling pag-unawa, pagdududa,
kawalang-katapatan at pagtutol sa Kanya. Sa ganitong paraan, natutupad
ni Satanas ang layunin nito na pagsira at paglason sa sangkatauhan at
pagpapalayo sa atin o pagtataksil sa Diyos. Gayunpaman, nagkulang ako ng
kabatiran at hindi naunawan ang masamang balak ni Satanas. Kinuha ko
ang kamalian nito para sa isang matatag na pilosopiya sa buhay upang
igalang at itaguyod at sa dakong huli ay naging higit at higit pang
tuso, mapagtanong at mapagbantay. Sa halip na manindigan sa panig ng
Diyos, at pakitunguhan ang mga bagay mula sa isang positibong pananaw,
anuman ang sitwasyong naharap ko, ginamit kong lagi ang sarili kong
mapandayang pag-iisip. Hindi ko naunawaan ang Diyos at kinuwestiyon ang
Kanyang layunin. Sa wakas, habang ang aking maling pag-unawa sa Diyos ay
naging lalo at laong tiyak, nawala ang aking kaugnayan sa gawain ng
Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman. Ngayong malinaw na, ang
pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala
sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" ay walang
iba kundi isang kamalian na ginawa ni Satanas upang pasamain at
linlangin ang sangkatauhan. Ang pamumuhay sa tinagurian na kasabihang
ito ay pangungunahan lamang ang mga tao upang maging mas tuso at
malihim, at walang katuwirang magtanong at magbantay laban sa mga iba,
habang ganap na mali ang pag-unawa at tumatalikod sa Diyos. Ang buhay na
labis nang pinangunahan ay mag-aani lamang ng pagkasuklam ng Diyos at
pinangungunahan ang isang tao na mawalan ng kaugnayan sa gawain ng Banal
na Espiritu at mahulog sa kadiliman. Sa huli, ang mga tagasuporta ng
kasabihang ito ay magiging biktima ng kanilang sariling pagtataksil—ang
kanilang mga magagandang kinabukasan ay napawi. Sa puntong ito, sa wakas
ay naunawaan ko na ang pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao
ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang
hindi mapinsala" ay hindi isang lehitimong pilosopiya ng buhay, kundi
isang mapandayang balangkas ni Satanas upang linlangin at pahirapan ang
sangkatauhan. Ang pariralang ito ay tulad ng isang nakamamatay na
kamandag na may kakayahang pasamain ang mga tao, na ginagawang
mapariwara ang kanilang pagkatao at malihis sa o magtaksil sa Diyos.
Nang maglaon, nakita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Ang
Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay
palaging mapagkakatiwalaan. At saka, ang Kanyang mga pagkilos ay walang
mali at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng
Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang ibig-sabihin ng katapatan
ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; hindi kailanman pinalalabas na
Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga
bagay, hindi kailanman itatago ang katotohanan; hindi kailanman gagawa
ng bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya ng mga nasa
ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magpa-awa lamang
sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng
karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o
tao. … Kung marami kang hindi mailarawang katapangan at tumatangging
ilantad ang iyong mga lihim—iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang
daan tungo sa liwanag, masasabi ko na isa ka sa mga taong hindi madaling
makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman.
Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo
nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa
kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng
Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging
nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi ko na ikaw ay tapat na santo,
sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang.
Kung gusto mong maging tapat, kung handang ibigay ang iyong lahat,
handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat at
iniisip ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng
para sa sarili, masasabi ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng
kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian” (“Tatlong
Babala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa salita ng
Diyos ay naunawaan ko, minamahal at pinagpapala ng Diyos ang matapat.
Sa pamamagitan lamang ng pagiging matapat na ang isang tao ay
makapamumuhay sa tamang paraan, kaayon ng layunin ng Diyos. Kaya,
tanging ang matapat ang karapat-dapat tumanggap ng kaligtasan ng Diyos.
Naunawaan ko rin kung paano kumilos bilang matapat na tao: Ang mga
matatapat na tao ay nagsasalita nang simple, hayagan at walang
panlilinlang—tinatawag nila ang ispada na ispada. Ang tapat ay hindi
kailanman nandaraya sa iba, hindi sila kumikilos nang walang interes at
hindi sila kailanman nandaraya o nagsisinungaling sa Diyos. Ang puso ng
matapat na tao ay tapat at walang kataksilan o kabuktutan. Sa
pagsasalita at pagkilos ay hindi sila nagtataglay ng mga intensyon o
lihim na motibo; hindi sila kumikilos para sa kanilang sariling
pakinabang o upang masiyahan ang kanilang laman, kundi para sa kapakanan
ng pagiging isang totoong tao. Ang puso ng matapat na tao ay may
magandang kalooban, ang kanilang kaluluwa ay matapat, at handa silang
ibigay ang kanilang puso at buhay sa Diyos. Wala silang hinihinging
kabayaran, kundi nagsisikap lamang na matupad ang mga hangarin ng Diyos.
Tanging ang mga nagtataglay ng mga katangiang ito ang maaaring tawaging
matatapat na mga tao, mga taong namumuhay sa liwanag.
Sa
sandaling naunawaan ko ang mga prinsipyong nakaugnay sa pagiging matapat
na tao, sinimulan kong subukang isagawa ang mga prinsipyong iyon. Sa
aking mga pakikitungo sa iba, sinadya kong subukan na huwag maging tuso,
o manghula at magtaas ng aking bantay. Nang magtagumpay ako, nadama
kong partikular akong malaya at napakawalan; tila mas lalong maaliwalas
na mabuhay sa ganitong paraan. Kapag nagpakita ako ng katiwalian habang
tinutupad ang aking mga tungkulin, maagap kong hinahanap ang aking
kaparehang kapatid na babae upang ipaalam ang aking bagong pag-unawa sa
aking sarili sa pakikipag-isa at gagawin din ito ng kapatid na babae.
Habang nasa prosesong ito, hindi lamang sa hindi kami nagkaroon ng mga
masasamang palagay sa isa't isa, ngunit talagang kami ay naging mas
magkaayon pa sa aming koordinasyon. Nang binanggit ko ang salita ng
Diyos sa paglalantad ng aking katiwalian sa panahon ng mga pagpupulong,
hindi ako hinamak ng aking mga kapatid na gaya ng naisip ko sa simula,
sa halip ay itinuring nila ang aking salaysay bilang isang halimbawa ng
mapagmahal na pagliligtas ng Diyos. Kapag, sa pagtupad sa aking mga
tungkulin, gumawa ako hindi para sa aking sariling reputasyon at
katayuan kundi upang matupad ang mga hangarin ng Diyos, nadama ko ang
Banal na Espiritu na gumagawa sa pamamagitan ko at nagbibigay sa akin ng
patnubay, upang makita ko ang layunin ng Diyos sa pagtupad sa aking mga
tungkulin. Bilang resulta, napakabisa ko sa pagtupad sa aking mga
tungkulin. Sa panalangin, sinadya kong subukan na ibahagi ang aking mga
pinakaloob na kaisipan sa Diyos at magsalita mula sa kaluluwa. Nakita ko
na nang gawin ko iyon, palapit ako ng palapit sa Diyos at nadama na ang
Diyos ay lubhang kaibig-ibig. Mangyari pa, ang lahat ng mga dating
maling pag-unawa ko sa Diyos ay napawi sa proseso. Sa pamamagitan ng
prosesong ito ng pagsasabuhay ng katapatan, naranasan ko kung paanong
ang pagiging matapat ay nagpapahintulot sa isang tao na mamuhay sa
liwanag at tumanggap ng pagpapala ng Diyos. Ang pagiging matapat na tao
ay tunay na makabuluhan at mahalaga!
Sa pagdaranas ng mga
benepisyo ng pagiging matapat na tao, naging mas malinaw sa akin na ang
kasabihan ni Satanas na, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong
mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi
mapinsala" ay nagpapasama at nagpapahirap sa sangkatauhan. Kung
itinataguyod ng isang tao ang kasabihang ito, siya ay laging mabubuhay
sa kadiliman, katiwalian at paghihirap. Sa pamamagitan lamang ng
pagiging matapat na tao na makapamumuhay tayo sa liwanag, mapalalakas at
tatanggap ng papuri ng Diyos. Mula ngayon, nangangako ako na
magsisimulang muli at lubusang iiwan ang kasabihang ito ni Satanas na,
“Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba,
ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala." Mula ngayon, ang
katapatan ang aking magiging pamantayan sa aking pamumuhay at
magsisikap akong makalugod sa Diyos sa pamamagitan aking katapatan.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento