Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?
Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat
mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling
araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang
nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang
lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang
ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa
inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa
inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang
dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad.Higit pa rito,
inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang
piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng
Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan
ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at
higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay
naaalala ninyo ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang
kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng
lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong
lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan
ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na
mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa
mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng
malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng
malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa
lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya
at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay
magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain
ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang
gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga
salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay
pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap.
Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa
lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito'y sa pamamagitan ng
naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain
upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa.
Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong
kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at
lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na
ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang
sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at
makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na
kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa
kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng
gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa
Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang
kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa
ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang
ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito
ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay
nakamit sa maruming lupa at yaong mula sa mga naninirahan doon. Ito ang
kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari
lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa
Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya
ni Judas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si
Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng
kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit
saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay
nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon nagkakamit yaong mga ninanais
Niyang magkamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang
pamamahala.
Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, ang mga gawa
na naganap sa katawang-tao ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang una ay
ang gawaing pagpapapako sa krus, na kung saan Siya ay niluwalhati; ang
pangalawa ay ang gawain ng panlulupig at pagka-perpekto sa mga huling
araw, na sa pamamagitan nito Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian. Ito
ang pamamahala ng Diyos. Kaya, huwag ipagpalagay na napaka-payak ng gawa
ng Diyos o ang komisyon ng Diyos sa inyo. Lahat kayo ay mga tagapagmana
ng sobra-sobra at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at
ito ay espesyal na itinalaga ng Diyos. Sa dalawang bahagi ng Kanyang
kaluwalhatian, ang isa ay ibinunyag sa inyo; ang kabuuan ng isang bahagi
ng kaluwalhatian ng Diyos ay ipinagkaloob sa inyo nang sa gayon ay
maging inyong pamana. Ito ang pagpaparangal mula sa Diyos at ang Kanyang
mga plano ay nahayag matagal nang nakalipas. Dahil sa kadakilaan ng
gawain na ginawa ng Diyos sa lupain kung saan ang malaking pulang dragon
ay nananahan, ang ganoong gawain, kapag inilipat sa ibang lugar, ay
matagal nang nagbunga ng maraming bunga at madali nang natanggap ng tao.
At ang mga ganoong gawain ay napakadaling matatanggap ng mga kleriko sa
Kanluran na naniniwala sa Diyos, dahil ang yugto ng gawa ni Jesus ay
nagsisilbing halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi Niya matamo ang
yugto ng gawain para sa pagluluwalhati saan mang dako; iyan ay, kapag
may tulong na nanggagaling mula sa lahat ng tao at pagkilala mula sa
lahat ng bansa, walang dako para ang kaluwalhatian ng Diyos ay
mamahinga. At ito'y ang tiyak na hindi pangkaraniwang kahalagahan ng
yugtong ito ng gawain na nananatili sa lupaing ito. Sa inyo, wala ni
isang tao ang nakatatanggap ng pag-iingat ng batas; sa halip, kayo ay
naparusahan ng batas, at ang mas mahirap ay walang taong nakauunawa sa
inyo, maging ang inyong mga kamag-anak, inyong mga magulang, inyong mga
kaibigan, o mga kasamahan. Walang nakauunawa sa inyo. Kapag kayo ay
tinanggihan ng Diyos, walang dahilan para ikaw ay magpatuloy na mabuhay
sa mundo. Gayunpaman, higit dito, hindi kayang iwan ng mga tao ang
Diyos; ito ang kahalagahan ng paglupig ng Diyos sa mga tao, at ito ang
kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang inyong namana sa araw na ito ay
nalalampasan kung ano ang mayroon sa mga dating apostol at propeta at
higit pa sa kung ano ang kay Moises at Pedro. Ang mga pagpapala ay hindi
natatanggap sa loob lamang ng isa o dalawang araw; ito ay maaaring
makamit sa pamamagitan ng lubos na pagpapakasakit. Iyon ay,
kinakailangan ninyong magkaroon ng dalisay na pag-ibig, malaking
pananampalataya, at maraming katotohanan na hiningi ng Diyos na inyong
matamo, at saka, kinakailangang magawa ninyong humarap sa katarungan. at
hindi kailanman maduduwag o magpapasakop, at kinakailangan mong
magkaroon ng tuloy-tuloy at walang humpay na pag-ibig sa Diyos. Ang
pagpapasiya ay hinihingi mula sa inyo, gayundin ang pagbabago sa
disposisyon ng inyong buhay, ang inyong katiwalian ay nararapat malutas,
at nararapat ninyong tanggapin ang pagsasaayos ng Diyos nang walang
daing, at maging masunurin hanggang sa kamatayan. Ito ang kailangan
ninyong makamit. Ito ang pangwakas na layunin ng Diyos, at ang mga
pangangailangan na hinihingi ng Diyos sa kalipunang ito ng mga tao.
Habang Siya ay nagkakaloob sa inyo, gayundin naman Siya ay kailangan
humingi sa inyo ng kapalit at gawan kayo ng angkop na mga kahilingan.
Samakatwid, ang lahat ng gawa ng Diyos ay may dahilan, at mula dito ay
maaaring makita kung bakit ang Diyos ay muli't muli ay gumagawa ng
gawaing mayroong mataas na pamantayan at mahigpit na pangangailangan.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan ninyong mapuno ng pananampalataya
sa Diyos. Sa madaling salita, ang lahat ng gawa ng Diyos ay para sa
inyong kapakanan, nang sa gayon kayo ay maging karapat-dapat na
tumanggap ng Kanyang pamana. Hindi ito ganoon kalaki para sa sariling
kaluwalhatian ng Diyos ngunit para sa inyong kaligtasan at sa
pagperpekto sa grupo ng mga taong ito tao malalim na napighati sa
maruming lupain. Dapat ninyong maintindihan ang kalooban ng Diyos. Kaya
hinihimok Ko ang mga taong mangmang na walang kaalaman o katinuan: Huwag
ninyong subukin ang Diyos at huwag nang lumaban. Tiniis na ng Diyos ang
lahat ng pagdurusa na hindi naranasan ng tao, at dati nang nagdusa ng
mas matinding kahihiyan para sa kalagayan ng tao. Ano pa ang hindi ninyo
kayang pakawalan? Ano pa ang mas mahalaga kaysa sa kalooban ng Diyos?
Ano pa ang mas nakatataas sa pag-ibig ng Diyos? Ito ay isang gawain na
lubhang napakahirap na para sa Diyos para isagawa ang Kanyang gawain sa
maruming lupaing ito. Kung ang tao ay buong-kaalaman at kusang-loob na
sumusuway, ang gawa ng Diyos ay lalong magtatagal. Sa paanuman, hindi
ito para sa kapakanan ninuman, at walang kapakinabangan para kaninuman.
Hindi napipigil ng panahon ang Diyos; ang Kanyang gawa at Kanyang
kaluwalhatian ang nauuna. Samakatwid, gaano man katagal, hindi Siya
maglalaan ng anumang pagpapakasakit kung ito ay Kanyang gawain. Ito ang
disposisyon ng Diyos: Hindi Siya magpapahinga hanggang maisakatuparan
ang Kanyang gawain. Kapag dumating lamang ang panahon na makukuha Niya
ang pangalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian saka lamang matitigil
ang Kanyang gawain. Kung hindi matapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa
buong sansinukob ang gawa ng ikalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian,
ang Kanyang araw ay hindi kailanman darating, ang Kanyang kamay ay hindi
kailanman mawawala sa Kanyang napili, ang Kanyang kaluwalhatian ay
hindi kailanman darating sa Israel, at ang Kanyang mga plano ay hindi
kailanman matatapos. Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang
gawa ng Diyos ay hindi kasing payak katulad ng paglikha sa langit at
lupa at sa lahat ng mga bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang
baguhin ang mga ginawang tiwali na naging labis na manhid, at dalisayin
ang mga nilikha saka ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si
Eba, lalo na upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng uri ng mga
halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat
ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi at maging
Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay
hindi kasing payak tulad nang inaakala ng tao, ang paglikha ng langit at
ng mundo at ng lahat ng bagay na mangyayari, at hindi rin ito katulad
ng gawaing pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang-hanggan tulad ng
inaakala ng tao. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang baguhin
ang siyang negatibo sa positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na
hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng
gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat
pasimplehin nang husto ang mga bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi
katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi maiisip ng
utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi maaaring makamit ng gayon.
Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak
ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha
at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya,
nararapat na simulan ng Diyos ang gawain nang may matinding kalakhan, at
ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito,
naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
1.Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento