Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Miyerkules, Agosto 28, 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Magagawa ang lahat sa pamamagitan ng Aking mga salita; walang sinumang tao ang maaaring makibahagi, at walang taong makagagawa sa gawain na Aking tutuparin. Lilinisin Ko ang hangin sa lahat ng mga lupain at pinupuksa Ko ang lahat ng mga bakas ng mga demonyo sa lupa. Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang unang hakbang ng gawain Kong pagkastigo sa tahanan ng malaking pulang dragon. Kaya makikita na dumating na ang Aking pagkastigo sa buong sansinukob, at ang malaking pulang dragon at lahat ng mga uri ng mga karumal-dumal na espiritu ay walang kakayahang tumakas mula sa Aking pagkastigo, sapagka’t tinitignan Ko ang lahat ng mga lupain. Kapag natapos na ang gawain Ko sa lupa, iyon ay, kapag natapos na ang panahon ng paghatol, pormal Kong kakastiguhin ang malaking pulang dragon. Makikita ng Aking bayan ang matuwid Kong pagkastigo sa malaking pulang dragon, ibubuhos ang papuri dahil sa Aking pagkamatuwid, at pupurihin nila nang magpakailanman ang banal Kong pangalan dahil sa Aking pagkamatuwid. Kaya pormal ninyong gawin ang inyong tungkulin, at pormal ninyo Akong pupurihin sa buong lupain, magpakailan-kailanman!"

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/the-twenty-eighth-utterance-word.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento