Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling
nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang
sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa
anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama
nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng
oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at
papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na
hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din
ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa
mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit
ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa
Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama
ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot
at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa
pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang
mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus
pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga
bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong
makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at
mabibigat."
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento